AMY'S P O V " Let's go to the masquerade ball! " excited na sambit ni Beth sa dalawang kaharap n'ya. " Sure! " naka - ngiti pa ring tugon ni Duke, kaya naman para akong na batubalani sa kan'ya. Bagay pa sa kan'ya ang suot nitong Tuxedo na kulay black na may long sleeve ang panloob. Lahat nga ng mga tao rito sa dining area ay pawang magagara ang mga kasuotan. Ang sarap kasing titigan, lalo na ang kan'yang mapuputing mga ngipin na maganda ang set. Kaya ang dibdib ko ay malakas na naman ang kabog at nanunuyo ang aking lalamunan. Papasa nga itong toothpaste commercial kung gugustuhin n'ya. Malapad ang Dibdib at siguradong mayroon itong abs, hindi ko lang alam kung foreigner ito o Pinoy. English speaking kasi. Palihim ko ngang sinasaway ang aking sarili, ngayon lang kasi ako humanga ng gani

