THIRD PERSON P O V Simula nga noon ay alternate na lamang ang dalaw ni Duke sa bahay nila Amy. Minsan din ay hindi naman pumupunta sila Mark at Louie kaya tuwang- tuwa naman ang kaibigan nilang si Duke dahil hindi s'ya mahihirapan. Sa ilang araw na ring pagsundo ni Duke sa dalaga kapag night shift ang schedule nito ay kung minsan ay nagkaka yayaan silang kumain muna bago umuwi. Ngunit, puro si Amy ang nasusunod kung saan sila kakain. Kaya ang pinipili n'ya ay iyong pang- masang eatery. Tulad ng karinderya kung saan kumakain sila ng lugaw at toge, kung minsan ay tokwa't baboy ang pina- partner nila roon. Pagkatapos kumain ay tsaka lamang sila uuwi at magkwe- kwentuhan pa sa kanilang bahay habang humihigop ng mainit na kape. Kaya sandali na lamang ang itinutulog ni Duke dahil may trabaho

