DUKE'S P O V Sa sobrang inis ko ay hindi ko napag- patuloy ang gagawin ko pa sanang trabaho. Kaya ng alam kong malapit ng matapos ang oras ng trabaho ni Amy ay sa intercom ko na lamang s'ya tinawagan at binilinan na mauna na s'yang umuwi. Gulong- gulo na kasi ang kalooban ko sa aking nararamdaman. Ang ginawa ko naman ay ni- review ko ang CCTV kahapon no'ng pagkalabas ng mga kaibigan ko rito sa aking opisina. Halos mag- isang guhit na lamang tuloy ang aking kilay sa pagkaka- kunot ko dahil malinaw kong napapanood na nakipag- kwentuhan pa pala sila kay Amy kahapon at nakita ko pang may ini- abot s'yang kapirasong papel kay Mark na sinulatan n'ya muna. Baka iyon nga ang kan'yang mobile phone number? Kaya natawagan s'ya nito habang hinahatid ko s'ya sa kanilang bahay. Tapos iyong surprise

