AMY'S P O V " Hindi ako naniniwala anak na walang hinihinging kapalit si Ms. Wong dito sa bahay na binili n'ya para sa atin. Hindi ako pinanganak kahapon lang para hindi malaman ang ganyang bibigyan ka ng isang bagay na mahal na basta - basta lamang. Kahit na ba salary deduction iyan, labis - labis pa rin anak. " mahabang litanya ni Nanay. Pangalawang araw na namin dito sa aming bagong tahanan. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at tinu - tulungan ko s'yang mag - tiklop ng mga nilabhan n'yang damit, dito sa kwarto n'ya. Si Arman ay ansa ibaba ata nagsasagot ng module. Nakatulog na rin naman sila ng maaga kagabi, pero ito talagang si Nanay ang laging gumigising para lamang ma siguradong safe akong nakakarating sa bahay. At kagaya lang din kahapon ay mabuti at naisakay na naman ak

