KABANATA 2 - PANGAMBA

1377 Words
AMY'S/AMALIA'S P O V " Amy! Pakotong naman d'yan ng isang gin bilog! Ang ganda - ganda ng trabaho ko, siguradong malaki ang sweldo mo! " sigaw ng tambay sa tindahan na kapitbahay namin, papasok sa aming eskinita. Madaling araw na pero umiinom pa rin sila ng likidong nakaka - lasing? Iyo naman kasing mga may ari ng tindahan ay ayaw pang magsipag - sarado. Para hindi inaabot ng ganitong oras ang mga lasing sa kalsada. Kulang din naman sa Barangay Ordinance ang Barangay Captain namin dahil wala s'yang batas about sa sari - sari store operation. Dapat n'yan ay hanggang alas dose lamang open ang mga tindahan nila. Para maiwasan na rin ang gulo, maiingay rin kasi lalo at tinatamaan n ng espiritu ng alcohol. Hindi ko na sana papansinin at magdi - diretso ako sa paglalakad nang magulat ako at may humawak sa isang braso ko. Kaya takot na takot ako at baka kung ano ang gawin nila sa akin. " H'wag po! Eto na po! Magbibigay na! " nanginginig ang boses na sambit ko sa humila sa aking braso. Amoy na amoy ko ang alak sa kan'yang hininga kumuha na lang ako ng pera sa sa aking wallet sa loob ng aking bag tsaka ko ibinigay sa lalakeng hindi ko alam kung ano ang pangalan. " Ayan! Magbibigay ka naman pala! Gusto mo pang pinipilit ka! " malaki ang ngising sambit ng lalakeng humila sa aking braso. " Bitiwan mo na ang braso ko! " matapang ko namang sambit, hinihila ko pa para makawala pero ayaw pang bitawan, masakit na tuloy dahi magaspang ang palad nito. " Ay! Oo nga pala! Hehe! " sabay bitiw naman nito, kaya umatras na ako ng ilang hakbang sa kan'ya. " Oh! Mga tropa! May pang - inom pa tayo! " sigaw nitong wika sa mga kainuman, naghiyawan din naman ang mga naka - upo sa lamesang kainuman n'ya. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at tumalikod na ako sa kanila sabay takbo nang mabilis. Sobra - sobrang takot na rin ang lumukob sa pagkatao ko kaya kahit nanginginig sa takot at nanginginig ang mga binti ko ay binilisan ko ang pagtakbo, makalayo lamang sa mga kapitbahay naming walang ginawa kundi magsunog baga. Napa - iyak na lamang ako pagsapit ko sa harap ng pinto ng aming bahay. Sapo ng isang kamay ang aking bibig ay napa - hagulgol na lamang ako nang iyak habang naka - salampak sa ibaba at naka - sandal sa pinto. Kahit ngayon lamang ako hinarang ng mga ito at pinigilan pa sa braso ay natatakot pa rin ako. Paano na lamang kasi kung hilahin s'ya sa isa sa mga bahay nila, eh, wala namang makakakita at gabi na nga at madilim na. Sanay pa naman kami sa mga ingay rito kaya kahit sumigaw ako para humingi ng tulong ay baka wala ring tumulong sa akin dahil tulog na nga ang aming mga kapitbahay. Gusto ko muna kasing humupa ang aking takot at pag - iyak bago pumasok. Baka gising na naman si Nanay gaya ng nakakaraang dinadatnan ko s'yang umiinom ng mainit na kape. Kaya tahimik na lamang akong umiiyak, wala namang nakaka - pansin sa akin dahil mga tulog na Ang mga kapitbahay namin dito. Sa bandang bungad lamang ng eskinita magugulo ang mga nakatira. " Anak!? Ano ginagawa mo d'yan!? " takang tanong ni Nanay, nabuksan na pala n'ya ang pinto kaya naman muntik na akong mapahiga sa flooring ng aming sala. " 'Nay! Wala po, napagod lang po ako, kaya nagpahinga ako sandali. " alibi ko naman habang palihim kong pinu - punasan ng aking mga kamay ang mga luha ko sa aking makinis na pisngi. Nakayuko kasi ako pero tumayo na para pumasok sa loob ng aming bahay. Nawala rin nga pala sa loob kong basta oras nang uwian ko ay gising s'ya at hinihintay talaga ang aking pag - uwi tsaka lamang ulit s'ya matutulog kapag nasa sariling kwarto na ako. " Wala!? Eh, bakit umiiyak ka!? " concern naman n'yang tanong, kaya hindi ko na rin napigilang mapa - iyak ulit pagka - upo ko sa kawayan naming upuan. Niyakap naman n'ya ako habang s'ya ay nakatayo, kaya sa flat n'yang t'yan ako napa - subsob at napa - hagulgol nang iyak. Sinuklay naman ng kan'yang mga daliri ang mahaba at sing itim ng gabing mga buhok ko. Dahil na rin siguro sa pagod ay hindi ko maiwasang maging emotional ulit tapos sa dami pang gumugulo sa isipan ko, idagdag pa iyong in - offer ni Ms. Wong. Tapos tatakutin pa ng aming kapitbahay. " Uminom ka muna ng tubig. " masuyong sambit naman ni Nanay pagkatapos kong mahimas - masan, kumuha s'ya sandali sa aming kusina. Kinuha ko naman ang baso at dinala sa aking bibig, halos matapon na nga ang tubig dahil sa panginginig ng aking kamay. " Ano ba nangyari? " malambing pa ring tanong ni Nanay, ina - ayos na n'ya ang aking buhok. Huminga muna ako ng malalim tsaka ni - kwento sa kan'yang lahat ang nangyari kanina. Kaya naman hindi rin maiwasang maging emotional. " Kung nabubuhay lamang sana ang Tatay mo, wala na sana tayo rito. " nagpapahid na ng luhang tugon naman ni Nanay, pagkatapos kong ipag - tapat sa kan'ya ang nangyari kanina sa kanto ng aming eskinita. Natatandaan ko kasi noon na may lagi kaming pinu - puntahan bahay na ginagawa pa lamang. Sinabi nila sa mura kong isipan na ruon na raw kami titira kapag natapos na. Kaya tuwang - tuwa ako noon dahil malalayo na kami sa ingay ng aming mga kapitbahay. Pero nangyari nga na maaga itong binawian ng buhay dahil sa heart attack. Noong tinatanong ko na kung kailan kami lilipat ay umiiyak si Nanay na pinagbili na raw sa iba dahil wala naman daw iniwang pera si Tatay noon. Wala namang nakuha sa kumpanya nila kaya wala kaming pambibili ng aming mga basic needs. Hanggang High School lang kasi ang natapos ni Nanay kaya hindi s'ya makakahanap ng magandang trabaho. Isa pa nga ay sanggol pa lamang noon si Arman, wala s'yang mapapag - iwanan sa aming bunso kung magta - trabaho s'ya. Kaya naman hindi na kami naka - alis rito sa lugar namin, minimum wage earner lang naman ako, sakto lamang para sa aming tatlong mag - iina. " Oh! S'ya! Masyado ka ng napupuyat, matulog na tayo at kakausapin ko mamaya sila Gaston at mga kaibigan n'ya na h'wag ka namang tatakutin. " malumanay pang sambit ni Nanay kaya tumango na lamang ako. Dahan - dahan na nga akong naglakad papasok sa kusina para maghilamos ng mukha at mag - toothbrush. Pagkatapos ay matamlay pa rin akong pumasok sa aking maliit na silid. Habang nakahiga nga ako ay hindi ko na namang maiwasang mag - alala sa kalagayan namin dito sa aming tinitirhan. Dumarami na rin kasi ang mga dayo kaya iyong iba ay hindi ko na rin kilala sa kanilang mga mukha. Kaya habang naka - titig ako sa maliit pero matigas na papel na ibinigay ni Ms. Wong kanina sa kan'yang office ay naka - buo ako ng plano. Bahala na kung sabihin man n'yang makapal ang aking mukha sa hihilingin ko sa kan'ya. S'ya na rin naman kasi ang may sabing hilingin ko ang aking gusto, basta sasamahan ko s'ya sa pagsakay n'ya sa Tempted Cruise. Iyon lamang kasi ang naiisip kong malinis na paraan para maka - alis kami rito sa barong - barong naming tirahan. Kahit mag - housing loan ako at ang half ng aking sweldo ang ibabayad ko sa aking uutangin ay papayag na ako. Ngayon pang kung matutuloy nga akong samahan s'ya sa Cruise Ship ay matagal din akong mawawala, paano na lamang ang aking Ina at Kapatid ko ritong maiiwan? Kaya umayos na ako nang higa pagkatapos kong ibalik sa aking shoulder bag na nakasabit sa pako sa dingding na plywood ng aking kwarto ang calling card na binigay ni Ms. Wong. Desidido na akong kausapin s'ya bukas na bukas din, bahala na kung ano magiging consequences ng aking gagawin. O kung ano ang magiging tugon n'ya, basta buo na ang aking loob na iyon ang hilingin sa kan'ya kapalit nang pagsama ko sa kan'ya sa Tempted Cruise Ship.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD