AMY'S P O V " Hindi ka man lang nakapag pahinga muna, " reklamo ni Nanay, habang kumakain kami ng almusal kinabukasan. Nagulat pa nga sila ni Arman na bumaba ako ng maaga na nakasuot na ng uniform ko sa trabaho. Nakalimutan ko na palang sabihin sa kanila kagabi na pinagre - report ako ngayon. Dahil sa sama ng loob ko kay Duke na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kino - contact. Mabuti na nga lamang at hindi namugto ang aking mga mata dahil sa aking pag - iyak. " Ganoon po talaga, 'nay! Ayos na po iyon para makabayad agad tayo rito sa ating housing loan. " positibo ko namang tugon sabay inom ng tubig, " Alis na po ako, iba po ang traffic ngayong umaga kaysa sa hapon. " paalam ko pa sa kanila sabay tayo. Ginulo ko lamang ang buhok ni Arman at nagmano sa kanang kamay ng aking Ina. " M

