DUKE'S P O V Akala ko ay may anghel na tumatawag sa pangalan ko, ayoko pa sanang idilat ang aking mga mata dahil tila kasi ako idinuduyan pa mula sa aking pagkaka tulog. Ngunit ayaw tumigil niyong tawag nang tawag sa akin kaya unti- unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Nang masilayan ko naman iyong taong umistorbo sa aking mahimbing na tulog ay tila s'ya anghel na ibinaba mula sa langit. Kaya matagal muna akong nakipag- titigan sa kan'ya kung totoo ba ang aking nakikita. Ngunit maya- maya lamang nang ipikit ko sandali ang aking mata at ng muli kong idilat ay nakita kong si Amy pala iyon. At sinabi na nga n'yang gabi na, noon lamang luminaw sa akin lahat ang mga kaganapan sa aking paligid. Nasa loob ako ng opisina sa Imperial Palace Hotel at kaharap ko si Amy na aking temporary secr

