Ace’s POV Init na nagmumula sa sinag ng araw na dumaan sa balkonahe ang nanggising sa akin. Umaga na pala. Napasarap ang tulog ko masyado. Masarap palang matulog ulit sa bahay na kinalakihan mo. It really feels like home. Umupo ako sa kama at nag-inat inat habang nakapikit at sinasamsam ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na... balkonahe. Bakit bukas ang balkonahe? Sinarado ko 'yan kagabi, diba? "Good morning, wife." Husky at halata mong bagong gising ang narinig ko sa aking tabi kaya't mabilis akong tumingin sa kaliwa ko at doon nakita ang nakahiga at nakangiting si Chase Demori. "What the f**k?!" Nabigla kong sabi. Ngumiti lang ito saka ako hinila pahiga at kinulong sa bisig niya. "Let's stay like this for a moment." Sabi nito habang tila inaamoy ang buhok ko. "Kagabi ka

