Kagaya nga ng iniisip ko, nag set ng date ang pamilya ni Jerome para makasama kami ng pamilya ko sa isang dinner. I am sure that Mr. Manicio is doing this to clean himself to my family. Kahit na gusto niya akong mawala sa anak niya ay hindi niya pa rin ako pwedeng idispatsa ng harap-harapan sa pamilya ko. He knows what my family can do. At sa estado niya ngayon, isa ang pamilya ko sa pwede niyang mahingan ng tulong kaya kailangan niyang linisin ang sarili niya. Papunta na ako ngayon sa bahay ng pamilya ko. Naisip ko na doon muna ako pupunta bago ang dinner namin mamayang gabi. Titignan ko din kung ano ang reaksyon ng mga magulang ko sa issue na kinasasangkutan ngayon ng mga Manicio. I’m sure na hindi ito palalagpasin ni Dad. Laking kahihiyan para sakanya kung totoo man ang mga sinasabi s

