Tahimik syang naka upo sa kanyang upuan habang kumakain ng haponan. Isang linggo na ang nakalipas simula ng sumali sya sa gropo nila leah. Nakakasundo nya naman ang ibang myembro ng gropo, pero di rin maiwasan ang may magalit dahil sa nagsisimula na daw ang tournament tapos nagsisimula pa daw syang matuto
Hindi iyon big deal sa kanya. Kaya ka nyang lumaban mag isa. Wala syang paki sa ito. Nasa kanila na ang problem, labas na sya roon. Kung ayawan sya edi ayawan, she use to it. Sanay na syang ayawan ng mga tao
Uminom sya ng tubig, dahil tapos na syang kumain. Handa na sya sa pag tayo para umalis sa hapag kainan ng biglang dumating ang nga kapatid kasama ang mga kaibigan nito
Hindi nya ito pinansin at tumayo sa pagkakaupo. Ilang hakbang pa lang ay biglang may bumanggitsa pangalan nya na ikinahinto nito
"Jessica, Right?"
Humarap sya at nakita ang isang lalaki na tumolong sa kanya noon sa school which is hindi nya naman ito sinundan. Tinaas nya ang kanyang kilay. Naglakad ito palapit sakanya, at nagpakilala na ikinagulat nya
"Im klyde, klyde montelfalco" pagpakilala nito
Medyo nagulat sya doon. All this time nakakasalubong nya na pala ang klyde di man lang nya ito nakilala. Hindi nya pinahalata ang gulat nya. Pagmalaman ito nila shasha for sure aasarin na naman sya ng mga ito
She composed her self before speaking "thank you for saving me that time, pero sana hindi mo nalang iyon ginawa it cause me a big trouble on your girls fan"
Pagkatapos nya iyon sabahin ay tumalikod sya at naglakad palabas ng dining. Kinusot nya ang sarili. Napaka gaga nya pala, ilang araw syang inaasar ng mga kaibigan sa klyde na yun tapos malalaman nya lang na kaibigan ito ng mga kapatid
Nakaramdam sya ng pag iinit sa muka ng pabalik balik na parang isang plaka sa utak nya ang pagpapakilala ng binata sa kanya " jessi what's happening in you?" Pag kausap nya sasarili
Hinawakan nya ang kanyang dibdib ng naramdaman ang naramdaman nya noong inaasar sya ng mga kaibigan. She breath in and out para kumalma ang puso na sa napakabilis na t***k nito
"Are you ok?"Mabilis syang napahawak sa hawakan sa hagdanan ng mag biglang magsalita. Humarap sya dito at nakita si jery na nakasunod sa kanya
Binalik nya ang walang emosyon sa kanyang muka ng makita ang kapatid. She raised her eyebrows "why would i not?"
Umiiling iling naman ito at pekeng ngumiti sa kanya. Tumalikod na sya at handa na sa paghakbang sa hagdan ng magsalita naman ito uli
"You really change princess" napahinto sya sa paghakbang sa hagdan ng marinig ang huling sinabi nito
Ilang taon na ang lumipas simula ng marinig nya ang pagtawag ng princess nito. Mabilis nya pinahid ang taksil na luha sa kanyang mata. Na miss nya ang pagtawag nito ng princess sa kanya, pero alam nyang hindi na mababalik ang dating panahon na sya ang mga prinsesa ng mga ito
May parte sa kanyang puso na masaya at may parte din dito na galit. Ilang taon na ang lumipas simula ng tumagil na ito sa pagtawag sa kanya na prinsesa
Mabilis nyang pinahid ang taksil na luha na lumabas sa kanyang mga mata. Taon na ang lumipas pero parang kahapon lang iyon nangyari.
Hindi nya masisisi ang mga ito kung bakit sila tumigil sa pagtawag sa kanya ng princess. Hindi nya masisisi si jaya kung bakit ganon ang kanyang ugali
Kung siguro, sya ang nasa lugar ni jaya ganon rin ang gagawin nya. May karapatan itong kunin ang titolo bilang prinsesa dahil ito ang tunay na prinsesa ng mga ito
Pero ang hindi nya matanggap ay kung bakit kailangan syang saktan, para lang maramdaman nya ang hindi sya kabilang sa mga ito. Pwede naman nilang sabihin sa kanya ang katutuhan, bakit kailangan pa syang saktan
Labing dalawang taon sya ng malaman nya ang katutuhanan. Kung hindi palang sya naging curious kung bakit iba ang trato ng lolo sa kanya ay hindi nya malalaman ang katutuhanan
Hindi nya pinansin ang sinabi ng kapatid at nagtuloy lang sa pag akyat sa hagdan. Nang makarating sa pintuan ay hinawakan nya ang doorknob at handa na sa pag bukas ng marinig nanaman ang kapatid
" You will always be my princess, not jaya, not anyone, but only you jessi. Walang papalit sayo sa puso ko, ikaw at ikaw parin ang nag iisa kung prinsesa" narinig nya ang paghikbi nito
Hindi sya sumagot at pumasok sa kanyang silid. Pagkasara nya ng pagkasara nya sa kanyang pintuan ay doon bumohos ang kanyang luha . Naglakad sya sa kanyang kama at doon nagtalokbong para umiyak
Eleven years, eleven years bago nya narinig uli ang pagtawag ni jery sa kanya ng princess. Eleven years pala ang kailangan nyang hintayin para lang marinig uli ang pagtawag nito sa kanya ng princess
Kung sya ang prinsesa nito bakit hindi sya nito pinagtanggol? Bakit hindi sya nito hinanap? Kung sya Lang ang nag iisang prinsesa nito bakit pinagsasalitaan sya ng masama?
Maraming tanong sakanyang isip na hindi nya alam kung ano ang mga kasagutan. Masasaktan ba sya sa sagot nito
Ilang minuto syang umiiyak. Nang wala ng luha na lumabas sa kanyang mga mata ay umupo sya sa kama at bumangon. Naglakad sya papunta sa pintuan at lumabas. Paglabas nya ay hindi na nya nakita si jery
Naglakad sya kung saan sya balak dahil ng mga paa. Dinala sya ng mga paa sa isang pintuan. Mapait syang napangiti. Hinawakn nya ang doorknob at pinihit iyon. Ini on nya ang switch sa gilid para makita nya ang loob
Naalala nya na tuwing pumasok sya dito ay hindi pa nya abot ang switch kaya kinakarga pa sya ni jason para ma on ang switch ng light. Naglakad sya papasok at bumungad sa kanya ang mga instruments
Napunta ang kanyang tingin sa isang gitara. Naglakad sya palapit dito at hinawakan. Naalala nya pa na tinuruan sya ni jason kung paano maggitara
' come here princess i'll teach you how to guitar'
Nakikita nya ang sarili na naglakad palapit sa pwesto ni jason na nakaupo sa sahig para maggitara. Pinaupo sya sa lap nito at tinuruan sya. Napangiti sya sa alalang yun
Matagal na rin simula ng makapasok sya dito. Simula noong dumating si jaya ay hindi na sya nakakapasok pa. Hindi na sya tinuruan, echatpwera na sya noong dumating ang tunay na prinsesa ng mga ito
Pinalibot nya ang kanyang tingin hanggang sa napahinto sa drums. Naglakad sya palapit doon naalala nya pa na tinuruan sya ni jery dito
' akin na nga iyang princess ko tuturuan ko sya kung paano mag drum para sa pagdating ng panahon maging isang sikat ito na drummer' naalala pa nya ang sinabi ni jery
Nakikita nya ang sarili na kinuha ni jery at pinaupo sa drummer chair at doon pinahawak sa kanyang ang stick. Naglakad sya palapit doon at unupo sa drummer chair. Kinuha nya ang stick
' go, princess'
nakikita nya si jeremy na nag checheer sa kanya habang tinuruan sya ni jery na mag drum. Sila ang supporter nya noon. Ito ang mga ka team nya
'you are our little baby, our princess, and out queen' napayakap sya sa kanyang sarili ng maalala ang katagang sinabi ni jason
She is no longer their little baby, their princess, and their queen. Dumating na ang tunay nilang baby, princess, at reyna. Humagolhol sya ng iyak habang yakap ang sarili
Tama sila masakit ang katotohanan. Hindi nya kayang tanggapin ang katutuhanan na hindi na sya ang prinsesa nito. Gusto nyang agawin ang titolo bilang prinsesa pero ayaw nya ng maging desperate, tapos na ang mga araw na yun
Huminga sya ng malalim at umupo ng maayos. Hiniwalay nya ang dalawang stick. At tumingin sa harapan. Malakas nyang pinalo ang isang drum
CZARINA SALEM