Nagising sya dahil sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Itinaas nya ang kanyang kamay para takpan ang sikat ng araw na tumama sa kanya. Minulat nya ang mga mata at tumitig sa araw
" Umaga na pala" bulong nya sa hangin at tumayo sa kama at naglakad papasok sa banyo para maghilamos at mag momog
Pagkalabas nya ng banyo ay deretso syang naglakad palabas ng silid. Habang pababa sa hagdan ay medyo rinig nya ang mga hinaing ng mga traines
Mahinang syang natawa sa mga hinaing ng bawat isa, may nag curse pa. Binagalan nya ang paglalakad sa hagdan para mas marinig pa nya ang mga hinaing ng siyam
" F*ck i thought i will be die" rinig nyang hinaing ni jery
'OA ha maliliit lang naman na bola yung bala ng mga baril ng nina joe tapos kung maka react parang binugbog' saad ng isip nya
" That was unexpected training" walang ganang saad ni leah
Sigurado ay ginising sila ng mga maid ng magising ang mga ito at sigurado na sinabi na ng mayordoma na training lang ang nangyari
" Super Oa kung maka react guys" saad nya ng makarating sya sa huling baitang ng hagdan
Mabilis naman na lumingon ang sampo sa kanya at bored syang tinignan. Nginitian nya lang ito at inaayos ang pagkakapusod ng kanyang bohok
" Alala ko ay matatalo mo sila klyde, pero nakakadismaya, napatay ka" saad nya habang naglakad palapit sa mga ito
Tumayo si klyde habang hawak ang tyan nito, kung saan tinamaan sya ng pekeng bala ng baril " nagulat lang ako kaya ganoon ang nangyayari" depensa nito sa sarili
" That's not excuse...." huminto sya sa paglalakad ng nasa harapan na siya ng mga ito " wag niyong sabihin na kapag sinogod kayo sa himbing ng inyong tulog ay sisisiihin nyo kalaban dahil sa sumugod sila ng walang babala lamang" sarcastic niyang ani
Napayuko naman ang mga ito. Nakatayo lang siya sa mga harapan ng mga ito habang pinag cross ang kanyang mga braso. Tahimik lang ang siyam habang nakayuko ang mga ulo at nakahawak sa tinamaan ng pekeng bala
Hindi nya masisi ang mga ito kung bakit nasasaktan sila sa peke lang namana ng bala na tumama sakanila. Masakit matamaan ng balang iyon kahit na peke, para kang binaril at tinamaan ng totoong bala ang kakaiba lamang ay hindi ka magdurogo pero maramdaman mo ang sakit ng pagtama nito kaya maakalain mong natamaan ka talaga ng totoong bala
" Tama na iyan joy, nakahanda na ang agahan, kumain na muna kayo" napalingon sya ng marinig ang boses ng mayordoma
" Susunod kami manang" pagkatapos nyang sabihin iyon at tumalikod na ang mayordoma
Binalingan nya ng tingin ang siyam na ganoon parin nakayuko at tahimik " tama na yang emote emote nyo kumain na muna tayo tapos maligo na muna kayo, hindi ko sinabing mabaho kayo, para pagkatapos nyong maligo I'll start the first training" saad nya
Hindi naman gumalaw ang mga ito at nakayuko parin. Magsasalita na sana sya ng biglang tumabi sa kanya ang mayordoma at hinawakan sya sa balikat
" Mauna kana joy ako na bahala sa mga batang yan" saad nito kaya bumuntong hininga nalang sya at tumalikod na
~~~~~~~
Humarap ang mayordoma sa mga dalaga at binata na ngayon ay nakayuko parin tulad ng paano sila iwan ng dalaga. Pilit na ngumiti ang matanda at bumuntong hininga
Nakaramdam sya ng awa sa mga kabataan na nasa harapan. Kilala nya si sofia dahil sya ang takbuhan ng dalaga tuwing napapagod ito. Nakakatulog ang dalaga sa kanyang mga bisig kapag tapos na ito sa pagsasanay
Ang naramdaman ng kabataan na ansa kanyang harapan ay wala lamang iyan sa naranasan ng dalaga. Saksi sya sa mga paghihirap ng lolo nito para maging malakas sya at hindi maapi
Tumikhim sya para kunin ang attention ng mga ito, tumingin sa kanyang direction ang sampo na malulungkot ang itsura. Bakas ang pag aalinlangan na susunod ba sila sa utos ng dalaga
" Maiintindihan ko kung susuko kayo, pero gusto ko lamang sabihin sa inyo ito..." Huminto muna sya at umupo sa pang isahang sofa kaharap ng mga binata
~~***flashbacks**~~
She was in her deep sleep, when five big mens bang in her room. This mens wearing a black in all clothes with a mask in their faces. Only you could see their eyes
The one big man get her in her bed. Pinasan na para bang isang sakong bigas. Walang kahirap hirap na pinasan sya dahil sa maliit lamang sya kesa sa mga lalaki
Nakaramdam sya na para bang wala siya sa kanyang kama kaya unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang likod ng lalaki
Itinaas nya ang kanyang ulo at nakita nya ang apat na malalaki na lalaki na nakasunod sa kanila. Kinabahan sya habang nakatitig sya nga ito
Sinusuntok nya ang likod ng lalaki pero parang wala lang dito ang kanyang ginawa. Gumagalaw galaw sya para mabitawan pero malaki ang lalaki kaya parang wala lang ang pagwawala nya rito
Naramdaman niya ang namumoong luha sa kanyang mga mata sa isipang matatapos na ang kanyang buhay. Hanggang sa naramdaman nya ang luhang umagos sa kanyang mga mata
" Kuya jason i need you" iyak niyang tawag sa pangalan ng nakakatandang kapatid
Inilibot nya ang kanyang paningin para mag isip ng paraan para makawala sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Pero wala siyang maisip na paraan kung paano siya makakatakas, maliban nalang kung kakagatin nya ito
Hindi na nya inisip kung mataas ba ang kanyang kababagsakan basta ang kanyang iniisip ay makatakas. Kinagat nya ang balikat ng lalaking nakapasan sa kanya kaya sa sakit na naramdaman ng lalaki at nabitawan sya at bumagsak sa semento pabaliktad
Nauna ang pagbagsak ng kanyang ulo, nakaramdam sya ng sakit at pagkahilo niyon. Pero hindi nya iyon ininda. Medyo malayo layo sa kanya ang kasama ng lalaki
Kahit masakit ang kanyang ulo at medyo nakakaramdam ng hilo ay hindi iyon naging handlang para makatakas sya. Tumakbo sya palabas ng mansyon
Takbo lang sya ng takbo hindi alam kung saan patungo. Hindi man lang siya nakaramdaman ng pagod basta tumakbo lang siya ng tumakbo hanggang sa napunta siya sa madilim na bahagi
Hindi alam kung saan na sya basta tumakbo lang siya kahit wala ng nakikita. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig ng matisod sya at nagpagulong gulong, nabubundol sya ng mga puno
Nang mahinto sya sa paggulong ay tumingala sya sa kalangitan kahit blurry ang nakikita. Naramdaman niya ang mainit na likido na umagos sa kanyang mga mata
Habol nya ang hininga habang nakahiga sa kung saan sya nahinto sa kanyang pagkakahulog. Napakabilis ng t***k ng kanyang puso hanggang sa nakaramdam sya ng pagod kaya pinikit ang kanyang mga mata
Nagising sya kinaumagahan ng makaramdam ang init na sikat ng araw. Napahagulhol sya ng maalala ang nangyari, iginalaw nya ang kanyang katawan pero mas lalo siyang napaiyak ng makaramdam ng sobrang sakit
Mabilis ang kanyang paghawak sa kanyang ulo ng naramdaman ang sakit at hapdi niyon. Ramdam nya ang sugat dito dahil hapdi, ramdam nya parin ang hilo dahil sa pagkakabagsak ng kanyang ulo sa semento
Kahit sakit ang katawan, hapdi ng sugat ay hindi iyon naging hadlang para makalakad sya. Maingat lang ang kanyang paghakbang dahil sa pagka tisod ng kanyang isang paa
Umiiyak sya habang naglalakad naghahanap ng masisilungan at mapaghingaan. Naramdaman nya ang unti unting pagpatak ng ulan kaya mas binilisan nya pa pag hahanap ng masisilungan
Napangiti sya ng makakita ng kweba. Naglakad sya dito, kahit mahirap at madulas ang daan ay minabuti nyang makasilong kahit masakit ang katawan
Nang makapasok sa kweba ay maingat syang humiga sa patag. Nang makahiga ay hindi parin tumigil ang kanyang luha sa pag agos. At mas lumakas pa ang kanyang paghiyaw dahil sa nangyari
"LOLO NASAAN KA KAILANGAN KITA NGAYON" hiyaw nya
Niyakap nya ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin na dala ng ulan. Tumayo sya at naghanap ng panggatong para gumawa ng apoy, wala na syang maasahan ng panahon na iyon ngunit ang kanyang sarili lamang
Lumipas ilang oras at medyo marami rami narin ang kanyang nahanap na panggatong. Kumuha sya ng bato na hindi basa at lakas na pinag kiskis ito hanggang sa nakabuo sya ng apoy
Buti nalamang at tinuruan sya ng lolo kung paano magkaroon ng apoy ng hindi gumagamit ng posporo at lighter. Nilagay nya ang iba pang panggatong para lumakas ang ilaw nito
Nang malakas na ang ilaw nito ay humanap sya ng pwesto na pwede sya doon humiga na hindi masdayo malayo sa apoy at hindi malapit sa apoy. Nang makahanap ng pwesto ay humiga sya at ipinikit ang mga mata
Hindi nya alam kung ilang oras syang natulog basta ng magising sya ay wala na ang apoy at usok nalang ang natira. Maliwanag na sa labas siguro ay tumila na ang ulan
Paika ika syang naglakad para maghanap ng pagkain at pwedeng igamot sa kanyang mga sugat na natamo dahil sa nangyari. Nang maalala ang nang yari ay naramdaman na nya naman ang luhang gusto mamoo sa kanyang mga mata pero pinigilan nya ito
Malakas syang bumuntong hininga para hindi sya umiyak kailangan nyang maging matatag ngayon ay nag iisa sya. Hindi pwede ang mahina sa panahon na iyon na wala syang masasandalan
Inilibot nya ang paningin nagbabasakali na may makita na prutas o anong pwedeng makain na nasa puno. Medyo may sumilay na ngiti sa kanyang labi ng makita ng isa wild guava na maraming bunga
Kahit ika ika ay mabilis syang naglakad palapit dito at kumuha ng bunga para kumain. Nang mabusog sya ay bumaba sya sa bayabas. Hindi naman ganoon ka taas ang bayabas kaya madali nya itong na akyat at madali lang din syang naka baba
Naglibot muna sya para maghanap ng maraming panggatong para kung sakaling uulan uli ay mag tambak na syang panggatong at baka matagalan na sya sa paninirahan sa kweba siguradong hinahanap parin sya ng mga lalaking iyon
Lumipas ang oras hanggang sa malapit na ang gabi. Bumalik sya sa kweba kung saan na muna sya namalagi. Habang pabalik ay nakita sya ng tuwid na medyo kataasan na kahoy. Hindi ito ganoon kalaki hindi din iyon ganoon ka liit sapat na para sa kanya
Kinuha nya iyon at pagdating sa kweba ay naghanap sya ng matulis na bagay para pwedeng ipang gamit gawin nyang bangkal para panghuli sa mga ilap na hayop sa gubat
Hindi na nya mabilang kung ilang araw o gabi na sya na sa gubat at hindi sya natatakot at medyo nasanay na rin syang mapag isa. Minsan ay sumasagip sa kanyang sisipana ng kanyang lolo kung ano na ang nangyari dito, hinahanap kaya sya ng mga taga goberno or hindi
Gabi na at nakatingin sya sa kalangitan na puno ng mga bituin "ilang araw naba akong nanatili dito sa kagubatan, hindi kona mabilang, kumusta na kaya si lolo" agad nyang pinunasan ang luha na pumatak sa kanyang mga mata
Medyo gumaling na ang maliliit nyang sugat ang iba naman nyang sugat ay sumasakit at humapdi paminsan minsan. Naglakad sya papasok sa kweba at doon nagpahinga dahil sa medyo pagod na din ang kanyang katawan
Nagising sya kinaumagahan ng makarinig ng mga nagsasalita, ang iba ay sumisigaw. Mabilis syang bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang bangkal at naglakad pabalabas ng kweba
Unti unti na nyang nadidinig ng klaro ang mga ito. Napakabilis ng t***k ng kanyang puso ng madinig ang kanyang pangalan habang sinisigaw ng mga nasa labas
" SOFIA...." rinig nyang sigaw
Nanlalabo ang kanyang mga mata habang mabilis na naglakad palabas ng kweba. Humahagol gol sya habang naglalakad. May ngiti sa kanyang mga labi habang umiiyak
" L... LOLO" sigaw nya para marinig sya
"SOFIA APO..." narinig nya ang sigaw ng lolo at ramdam nya na malapit lang sila sa isa't isa
Malakas syang napasigaw ng madapa sya dahil sa kamamadali sa paglakad. Naramdaman nya na may mabilis na naglakad palapit sa kanya. Tumingala sya at nakita ang kanyang lolo na may ngiti sa muka
Mabilis syang kinuha nito at niyakap. Mas doon sya umiiyak sa yakap ng lolo
~~****~~~
CZARINA SALEM