Sa halip na kotse ni Mira ang nakaparada sa parking lot para sa mga empleyado ng kompanya, ang mamahaling kotse ni Zech Leon ang naroroon. Tumigil siya sa paghakbang at binistahan ang lalaking prenteng nakasandal doon. It was no other than her husband, of course! He is leaning on his car while looking at his phone. Sa kabila nang suot nitong sunglasses, nahulaan niya pa rin na may hindi ito nagustuhan sa kung ano man na binabasa nito sa cellphone nito dahil sa pagsasalubong ng mga makakapal nitong kilay. His jaw even clenched and his hand tighten the holds around the cellphone. Sa palagay niya, isang higpit pa nito ay malamang mababasag na iyon. She decided to approach him. Awtomatikong nag-angat ito ng tingin nang marinig ang yabag niyang papalapit. "Where's my car?" kaswal niyang ta

