Chapter 8

1509 Words
Padaskol na itinulak siya ni Zeon papasok sa kwarto na ino-ukupa niya kanina. Hindi pa ito nakuntento, marahas na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na pina-upo sa ibabaw ng king-sized bed nitong kama. “D*mn f*cking stupid hard headed of a b***h, Mirethea!” galit na sigaw nito, nawala na ang pagiging kalmado. Gigil na hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at gigil na pinatingin siya sa kanyang mga mata. “What comes in your useless mind para umakyat ka roon? Nag-iisip ka ba?” “No!” matigas niyang sagot. “Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makulong sa impyernong ito at maging alipin ng demonyong kataulad mo.” Umigting ang mga panga nito, nagpipigil ng galit. Nagpipigil na pilipitin ang kanyang leeg dahil sa inis nito sa kanya. “Gusto mong mamatay? Pwes, para sabihin ko sa ‘yo, kayang-kaya kong ipahanap ang natitira mong pamilya at pataniman ng bala ang mga noo nila.” He gave her an evil grin at humaplos sa kanyang pisngi ang hinalalaki nito. “Or maybe, I can order a kidnap for slavery to your friend, Jamaica. She’s a beauty, siguradong bebenta siya sa black market!” Inatake siya ng takot at pag-aalala para sa kanyang matalik na kaibigan dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nito. “Demonyo ka!” sigaw niya sa mukha nito at malalakas na sinuntok-suntok ang dibdib ni Zeon na hindi man lang natinag sa kinatatayuan. “Huwag mong pakiki-alaman ang pamilya at kaibigan ko.” Halos mamaos na siya sa kasisigaw. Ngunit wala siyang paki-alam dahil galit na galit siya sa lalaking ito. “Disobey me once more. Try to escape one more time, makikita mo na lang sa telibisyon na nawawala ang kaibigan mo at may tama na ng baril ang Aunt Martha mo. You understand what I am saying, right?” Muli niya itong sinuntok sa dibdib habang hindi na niya napigilan ang muling pagbuhos ng kanyang mga luha. “Wala kang kasing sama!” Literal na demonyo ang tingin niya kay Zeon nang mga oras na iyo. He was literally made from hell. Zeon Funtellion puckered his lips, mocking her misery. Mukhang nasisiyahan pa ito sa pag-iyak niya. “Shh…” He put his forefinger on his lips, silencing her. “Don’t cry, I will not do that if you obey me. If you’re a good girl, I won’t do that.” Hinaplos-haplos pa nito ang buhok niya na parang inaalo siya. “Now, Mira. Do we have a deal? Are you going to stay by my side? To marry me and will carry my heir as your punishment.” Niyuko siya nito para magpantay sila ng mga mukha. “Be a good girl, remember your friend and aunt and you know that I am not bluffing.” Mas lalo siyang napa-iyak dahil alam niyang kahit kalmado na ang boses nito sa pagkakataong iyon, punong-puno iyon ng pagbabanta. And she knows na ng mga katulad ni Zeon Funtellion ay mga hangal ang bituka. Hindi man lang kumukurap kapag pumapatay. “Do we have a deal?” ulit nito. Nanginginig ang kanyang mga labi at napahikbi pa siya nang unti-unti siyang tumango na ikinaganda ng tabas ng mukha niyon. “Good girl.” He caressed both of her cheeks and kiss the top of her nose. “Now, eat and take a rest.” Itinuro nito ang mga pagkain na nasa cart. “Do you like any food other than those?” Now, he was acting like a father that was taming his brat child after he scolds her. Umiling siya at hindi napigilan ang paglabas ng tunog mula sa kanyang bibig dahil sa pag-iyak. “Hush now.” The bastard even dried the tears on her cheek. Nababaliw na ito—hindi, baliw na ito. Galit na galit ito kanina at nagbabanta pero ngayon para itong amo na pinapa-amo ang tuta dahil nasaktan iyon. Lihim siyang mapait na napangiti nang maisip na siya ang tuta na iyon. And Zeon Funtellion was a big, fierce and dangerous lion. Wala siyang kalaban-laban. Nang mahimasmasan siya ay hindi siya umimik. Kaya naman ay tumayo ito at lumabas ng kwarto para bigyan siya ng privacy. Nayakap niya ang sarili nang muli siyang mapag-isa sa kwartong iyon. Pakiramdam niya, mas lumamig ang paligid. Hungkag ang kanyang pakiramdam at kinakaawaan niya ang kanyang sarili. She never pitied herself before. Ngayon lang. Kahit palaging pinapamukha sa kanya ni Lilavirah at ng kanyang uncle na sampid lamang siya sa pamilyang iyon, hindi niya kinaawaan ang sarili. Palagi siyang lumalaban, nagrereblede kapag may pagkakataon. Ilang sandali pa siya sa ganong posisyon nang magdisisyon siyang lagyan ng laman ang kanyang tiyan. Kailangan niyang manatiling buhay para sa kaligtasan ng taong nagpatuloy sa kanya sa tahanan nito nang mga panahon walang-wala siya. Para sa kaligtasan ng kanyang matalik na kaibigan na palaging nandyan para sa kanya. Kung ang tanging paraan para manatiling ligtas ang mga iyon, pipiliin niyang isugal ang buhay niya sa kamay ng lalaking pinagtangkaan niyang patayin. Asawa at anak lang naman ang kailangan nito di ba? Kapag naibigay niya ang magiging tagapagmana nito, tapos na rin ito sa kanya. Hindi siya panghabang-buhay na makukulong sa buhay nito. Pagkatapos niyang kumain, napagdisiyonan niyang maglinis ng katawan. Hinanap niya ang banyo sa kwartong iyon. She found it just beside the walk-in closet. Malinis at mabango ang banyo at sa unang tingin pa lang niya, lalaki ang nagmamay-ari niyon. Actually, pati ang buong kwarto. Halata sa interior design na lalaki ang nagmay-ari. She wonders kung kwarto ba iyon ni Zeon. Wala kasi siyang nakitang kahit isang larawan sa bedside table nito na maaaring makapagtukoy na kwarto nga iyon ng lalaki. Well, ano nga ba ang aasahan niya sa isang mafioso? Wala itong ibang alam na gawin kundi ang gumawa ng mga bayolenteng bagay. Hinubad niya ang robang suot pati na rin ang kanyang underwear. Pumasok siya sa shower stall at pinakialaman ang shower ng lalaki. Wala siyang pakialam kung pagalitan man siya nito. Total kasalanan naman nito kung bakit siya naroon. Pwes, pagtiisan siya nito. Kinuha niya ang shower gel na nasa isang stall at inamoy iyon. Natigilan siya nang pumasok sa ilong niya ang amoy ng shower gel. Pagkatapos ay napadiin ang kanyang mga palad sa dingding ng shower stall dahil sa malungkot na pakiramdam na mabilis na gumuhit sa kanyang dibddib. Bakit niya naramdaman iyon? It was like she was missing someone but she can’t point out who? It was nostalgic. Maya-maya pa ay napailing siya at naglagay ng shower gel sa kanyang kamay. Kumuha na rin siya ng shampoo at ipinahid iyon sa kanyang buhok. Hindi niya alam kun ilang minuto na o halos mag-iisang oras na ba siya sa loob dahil masyado siyang naging komportable sa amoy ng lugar na iyon. Matapos niyang maligo, kinuha niya ang twalyang naroroon. Bagong laba iyon nang amuyin niya. She silently gives thanks to whoever put that new towel dahil nunkang gagamit siya ng twalya ni Funtellion. Kinamumuhian niya ang lalaking iyon. Pinunasan niya ang kanyang katawan at ibinalot ang sarili sa towel na iyon. Now, saan naman siya kukuha ng kanyang damit? Lumabas siya sa banyo at walang paalam na pumasok sa walk-in closet na naroroon. Hinayaan niya ang kanyang mga kamay at paa na gawin ang pagbubukas sara ng mga cabinet na naroroon na para bang pamilyar na pamilyar siya sa mga gamit roon. When in fact, iyon ang unang beses niyang pumasok sa walk-in closet nito. Katulad ng banyo, malinis at maayos na nakasalansan ang mga gamit roon. His clothes are mostly longsleeve. May mga branded shirt at shorts. May mga jeans din sa isang cabinet na nabuksan niya. And most of all, suits were neatly hanging on the side corner of the closet. Wala siyang ibang napagpilian kundi ang kumuha ng isang kulay itim na t-shirt ni Zeon. Isinuot niya iyon na umabot hanggang sa itaas ng kanyang tuhod. Muli siyang nangialam sa mga gamit. Naghahanap ng pwedeng isuot na pang-ibaba. She can’t wear her panty and bra again. Nang nagdaang gabi pa niya suot iyon. Nakakita siya ng mga hindi pa nagagamit na mga boxers. Alam niyang hindi pa iyon nagagamit dahil nakabalot pa ang mga iyon at may price tag pa. Hindi na niya tiningnan kung magkano dahil alam niyang pati boxer ng lalaki ay branded, makabutas ng bulsa para sa katulad niyang isang normal na empleyado at mamamayan ng bansa. Well, the guy was filthy rich at kayang-kaya naman nitong bumili ng mga ganon. Bumalik siya sa malaking kama at ibinalot ang sarili sa comforter. Again, wala siyang paki-alam kung magalit man si Zeon dahil sa pagsusuot niya ng damit nito. If he will be mad, then he needs to buy her clothes and underwears and her necessities. At dahil nagpupumilit ito na manatili siya sa buhay nito, pwes, gagawin niyang impyerno ang buhay ng lalaki hanggang ito na mismo ang magpalaya sa kanya. Nakatulugan na niya ang ganong isipin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD