Matalim na inirapan niya si Zech Leon nang tuluyang mawala sa kanyang paningin si Meila. Nabi-bwisit na itinarak niya ang matalim na katana sa sofa na inuupuan niya kani-kanina lang. Nabutas ang leather cover niyon subalit wala siyang paki-alam. Padabog na kinuha niya ang kanyang shoulder bag at cellphone bago malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa elevator. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ng asawa. Tumigil siya bago pa man siya tuluyang makalapit sa elevator. Marahas niya itong nilingon at binigyan ng nagbabantang tingin. Tumigil ito sa paglalakad at hindi gumawa ng kahit anong ingay nang muli niya itong bigyan ng nakakamatay na irap. Simangot na simangot pa rin siya nang makapasok siya sa elevator. Hanggang sa sumara ang pinto ng elevator ay hindi pa rin nito tinangkang

