Iritadong inayos ni Mirethea ang kanyang salamin sa mata habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa harap niya. Pare-parehong magulo ang buhok nilang tatlo habang may mga kalmot sa ilang bahagi ng katawan. Wala din sa kaayusan ang suot nilang blouse uniform ng St. Agustin Academy. In front of her is the students from second year section b. These two mean girls tried to bully the nerdy transferee her. Subalit dahil sadyang palaban siya, hindi niya hinayaan na kawawain siya ng dalawang ito. Hindi siya nakick-out sa mga school na pinasukan niya para lamang magpatalo sa mga ito. Simula nang mamatay ang kanyang ama at pumutok ang balitang kriminal iyon dahil sa pagkakasangkot sa sindikato, hindi na siya nilubayan ng mga bullies sa bawat eskwelahan na napapasukan niya. At ngayon nga ay ang

