Tahimik lamang si Mira habang hinahayaan ang dalawang babae na nag-aayos sa kanya sa ginagawa ng mga ito. The woman with Greek features was doing her hair while the other one is her make-up. Pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin dahil halos tapos na ang babae sa pagme-make up sa kanya. Light lang ang kanyang make-up ngunit nagawa niyong patingkarin ang kanyang natural na ganda. Hindi pang-artistahin ang ganda niya. Hindi rin pangmodelo ang tangkad at kurba ng kanyang katawan. Tama lang, katulad ng ibang pangkaraniwang babae. Kaya nga ang sabi sa kanya ni Jamaica, she should dress properly and fashionably if possible para naman daw umangat-angat siya ng kaunti. Natawa na lang siya nang sabihin nito iyon sa kanya. She likes what she looks like. She likes her height and h

