BS#4 TP C30 KATYA POV Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya, Dahil sa lakas ng kanyang tawa. “At naniwala ka naman sa Nanay mo?” Nag-angat ng mukha si Kevin dahil sa sinabi ni Sir Nico sa kanya. “Nanay… Ano po ‘yon?” Tumingin sa akin si Sir, Kaya nagkasalubong ang aming mga mata. Mabilis din akong nagbaba ng tingin dahil ayokong magalit siya. “Akala ko ba tinuturuan mo ang mga bata?” Nag-angat ako ng aking mukha dahil sa tanong niya. “O-opo Sir…” Nagulat ako ng bigla niya lang hampasin ang kama. “Tinuruan? Pero kung anu-anong katangahan ang itinuturo mo?” Nagyuko ako dahil sa sinabi niya. “S-Sir… ‘Wag na po kayong magalit… M-marunong naman po ako magsulat at magbasa ng konti..” Iyak ni Kevin. ‘Di ko naman mapigilan na makaramdam ng awa sa anak ko. Alam niya kasi na dahil sa sin

