BS#4 TP C20 KATYA POV “Putang i*na!” Napatayo ako dahil malakas siyang sumigaw. “Lumalaban kana ba sa akin?” Tanong niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. “H-hindi ko naman po sinadya S-Sir..” Wika ko habang yumakap sa akin ng mahigpit si Kevin. Nagising kasi siya dahil sa lakas ng sigaw ni Sir Nico. “Hindi sinadya?” Asik niya habang malakas na sinuntok ang aking pisngi. “‘W-wag n’yo po akong saktan S-Sir… B-buntis po ako…. Baka po mapano ang anak ko…” Wika ko sa kanya habang nilagay ko sa aking harapan ang aking mga kamay. Ginawa ko ito para maging panangga, Kapag saktan niya ako sa t’yan. “A-Anaka.. Tumabi ka do’n, Baka matamaan ka..” Iyak kong wika habang nilingon si Kevin na yumakap sa aking mga paa. “Buntis?” Natatawa niyang wika at bigla nalang akon

