BS#4 TP C32 KATYA POV “Oh! Dahan-dahan Anak… Baka matamaan mo si Kali!” Sigaw ko kay Kyle habang nagbibisikleta ito. Tatlong taon na rin ang lumipas at tatlong taon na si Kali. “Mama.. Bakit ang tagal ni Kuya at Ate?” Tanong sa akin ni Kyle ng makalapit siya sa akin. “Kasi nasa school sila..” “Bakit ako ang bilis lang?” Napapikit ako sa aking mga mata dahil ito na naman siya tanong ng tanong. “Apo… Kasi baby ka pa.” Napatingin ako kay Mommy at ngumiti. “Hindi na kaya ako baby Lola. Si Kali lang naman ang baby eh! ‘Di ba Mama?” Hinawakan ko naman ang kanyang buhok dahil sa sinabi niya. “Ang bilis lang ng panahon Katya, Parang kailan lang ang liliit pa ng mga apo ko,” Ngiting wika sa akin ni Mommy. “Lalo na si Kali, Parang nakaka-miss tuloy magbuhat ulit ng sanggol.” Napatingin

