BS#4 TP C34 KATYA POV “Bakit Anak? Kumusta ang unang araw mo?” Tanong sa akin ni Daddy ng sagutin niya ang tawag ko. “Hindi talaga maganda Dad..” Wika ko sa kanya habang pabalik ako sa upuan ko. “At bakit nandito ka pa?” Galit na tanong sa akin ng manager. “Sino ‘yon?” Tanong sa akin ni Daddy sa kabilang linya. “Isang asong kumakahol Daddy, Pwede mo bang puntahan?” Tanong ko kay Daddy. “Of course, Hintayin mo ako r’yan.” Wika ni Daddy habang pinatay ang linya. Alam ko kung gaano ka-busy si Daddy ngayon, Pero kailangan na siya mismo ang magpa-alis sa walang hiyang tauhan niya. Lalo pa itong babaeng impostor na ‘to. “At nagsumbong ka pa talaga sa tatay mo? Sino ba s’ya?” Natatawa niyang tanong sa akin. “‘Wag kang excited hintayin mo lang.” Ngiting wika ko sa kanya. “Miss. Lee, Mukh

