BS#4 TP C26 KATYA POV Lumipas ang mga taon at nadagdagan pa ang anak ko. Anim na taon na rin si Kevin habang si Kiara ay four. si Kyle naman ay two. “Anak.. ‘Wag kayong masyadong maingay!” Saway ko sa dalawa dahil nag-aagawan na naman ito sa panonoorin nila. “Mama… Ayaw kasi ni Kuya na Frozen ang panoorin namin!” Iyak ni Kiara. “Bakit ba kasi lagi nalang ‘yon ang pinapanood mo? ‘Di nga maganda ‘yon!” Napapikit ako sa aking mga mata habang ‘di ko mapigilan na mapahinga ng malalim para kasing aso at pusa ang dalawa. “Anak.. Si Kuy mo muna ang sundin mo..” Wika ko pero bigla nalang umiyak ng malakas si Kiara. “Anak.. Tumahimik kana.. Pagbigyan mo muna si Kuya.. Kanina ka pa naman nanonood ‘di ba?” Wika ko habang pinunasan ang kanyang pisngi. Tumango naman siya sa akin kaya ngumiti ak

