BS#4 TP C22 KATYA POV Patuloy pa rin sa paglandas ang aking luha kahit naka-sara na ang pinto. Ang gusto ko ang naman sana ay makakain ng cake si Kevin. Naawa na kasi ako sa kanya, Takot din kasi akong magsabi kay Sir, Dahil magagalit naman ‘yon. “Mama..” Nilingon ko siya at nakitang tinuro ang pagkain. Siguro gutom na siya dahil hindi siya kumain kanina. “Anak.. Pasensya kana ha.. Kung hindi kaya ni Mama na ibigay sa ‘yo ang mga gusto mo. Takot din kasi si Mama na humingi kay Sir, Alam mo naman ‘di ba na nagagalit si Sir?” Tumango siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. Hinayaan ko lang na maglaro si Kevin sa kanyang bola habang paminsan-minsan ay nanonood ito ng TV. Mabuti nalang din at mukhang naintindihan niya na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hi

