BS#4 TP C28 KATYA POV “Tumayo kana r’yan at sumunod kayo sa akin.” Aniya, Kaya napa-angat ako ng aking mukha at tumingin sa kanya. “Bingi ka ba? O baka gusto mong matamaan?” Umiling ako at dahan-dahan tumayo. Binuhat ko si Kyle habang gusto rin sana ni Kiara na buhatin ko siya. “A-Anak.. Hindi pa kita kayang buhatin… Nanghihina pa si Mama..” Mahina kong wika sa kanya. “Ako nalang magbuhat sa kanya Ma…” Napatingin ako kay Kevin dahil sa sinabi niya sa akin. “K-kaya mo ba?” Tanong ko habang tumango siya. Alam ko naman na hindi niya kaya dahil mabigat ang kapatid niya. Medyo mataba kasi ito katulad sa mga kapatid niya. “‘W-wag na A-ana.” Natigilan ako nang makita kong bumalik si Sir. Mabilis naman na yumakap ang dalawa kong anak sa akin. “S-Sir..” Kabado kong sambit ng hawakan niya

