Monday came. Simula nang birthday ni Theo mas lalong nagalit at nairita ang kapatid ko sa dahilang hindi pagsipot ng binata sa birthday party at engagement party nila. Noong una kong nalaman na engagement party pala 'yon, kaya pala tawag ng tawag ang Mommy ni Theo sa kanya. Nasaktan ako, dahil alam kong never magugustuhan ng pamilya namin ang relasyon namin ni Theo. Arranged marriage is very traditional to Ravonte's family ever since. Kaya simula bata pa lang ay magkakilala na sila Theo at Ate Farah dahil sila ang itinakda ng magpakasal. I can't help but to think, what would they do if they found out about us. Na ako 'yong babaeng mahal ni Theo. Nanlalamig na lang ako dahil alam kong magagalit at magagalit sila. Napapabuga na lang ako ng hangin pag-iniisip ko ang bagay na 'yon. "Ang l

