Hindi ko alam kung ilang beses na akong lumunok ng laway dahil sa kaba habang nakaupo kaharap ang aking tunay na Ina. Tulad kanina'y walang emosyon ang mukha niya. She's still wearing his fearless and poker face. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ko magawang ibuka ang bibig para makapagsalita nang maayos. "You don't want to talk?" sobrang lamig ng boses niya. Sa sobrang lamig nagtaasan ang mga balahibo ko. "Ahm…" napalunok ako. Walang lumabas na salita sa bibig ko. "how are you po?" She looked at me with nothing in her eyes. "Thank you for asking, but I am okay," malamig pa rin niyang tugon bago umupo nang maayos. "That's good to hear." Tumuyid siya nang upo. "Hindi na 'ko magpapakitang tao pa, Celeste," seryoso na sambit niya habang nakatingin sa'kin ng diretso. "you're

