Dahil buntis ako, hindi muna ako pinayagan ni Theo na magtrabaho sa Del Fuego Airlines. He wants to take care of me during my pregnancy. "Theo, dalawang buwan pa lang naman akong buntis," anang ko sa kanya nang minsan na kausapin ko siya tungkol sa kagustuhan na magtrabaho. He looked at me with a serious face. "No," malamig na tugon niya na literal na 'yon na ang final answer niya. Napanguso ako nang tuluyan na siyang pumasok sa banyo namin. I let out a sigh thinking that I'm not gonna convince him. Umayos ako nang higa sa kama nang marinig ko ang pagbukas ng banyo. Nakagilid ako sa kama at pinakiramdaman siya na dahan-dahan sa paggalaw. Maya-maya narinig ko siyang huminga nang malalim, kasunod no'n ay ang pagsampa niya sa kama namin at marahan ako niyakap. Napanguso ako at hindi siya

