Kinabukasan, maaga akong nagising. Six AM pa lang ay gising na 'ko dahil ngayon ang alis namin ni Theo. Pupunta kami sa Pasig para doon mag-date. Walang makakakilala sa amin doon kaya mas maganda 'yon. Mula rito sa Taguig, mga twenty-four minutes lang biyahe papuntang Pasig. Depende kung traffic. Pupunta pa ako sa penthouse ni Theo dahil may pupuntahan pa raw kami bago tumuloy sa Pasig. Nag-ayos ako ng susuotin ko. I decided to wear my white oversized t-shirt and high waist shorts and paired it with my favorite Converse chuck taylor all star lugged. Ti-nuck-in ko ang t-shirt para magkaroon ng style at nilugay ang buhok na may kulot sa ibabang parte. I put some makeup up like power, foundation, lipstick and blush on. Kaunti lang ang nilagay kong makeup para maging natural ang mukha ko. N

