"Pasabi sa Mama mo na pagaling siya. Iba pa rin pag siya ang nagluluto ng mga paninda niyo." Chelseah open up the topic.
Kumakain siya ng kalamares sa tabi ko habang naka-ilang kikiam na 'ko. Libre niya 'to kaya magtiis siya hanggang sa mabusog ako.
Tumaas ang kilay ni Gus. "Edi, huwag kang kumain ng niluto ko."
Pilyang ngumiti ang kaibigan ko. "Hindi ka naman mabiro, eh! I know you're Mom cooked the best, but you're still the best." nag-thumbs up pa siya bago kumindat sa binata.
Natawa na lang ako sa dalawa. Ang daldal ni Chelseah habang si Gus ay mukhang hindi nakikinig pero ramdam ko na kahit nasa nilulutong kalamares ang mata niya ay nakikinig siya sa kaibigan ko.
Hindi niya ako maloloko. Nakita ko siyang ngumiti kanina. Patingin-tingin pa siya sa'kin dahil inu-obserbahan ko ang reaksyon niya sa kaibigan ko. Nagtaas lang ako kilay at iwas ulit siya tingin.
"Sir. Theo! Ginagawa niyo po dito?"
Mabilis akong tumingin dahil sa sinabi ni Chelseah. Then, I saw Theo walking towards us. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. He smiled to us before sitting beside me.
"I'm going to eat," sagot niya ng nakangiti.
"Good afternoon po, Sir!" magalang na bati ni Gus kay Theo.
Tumango lang si Theo bago tumingin sa'kin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
"You're avoiding me now?" he whispered.
Mabilis akong tumingin sa kanya bago umiling. "Hindi, ah!" agap ko. "may pasok ka sa hapon, 'di ba?"
"Wala akong pasok tuwing Friday," sagot niya bago kumuha rin ng kwek-kwek.
Tumango-tango ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Para akong nawalan ng gana nang dumating siya. I suddenly feel unconscious eating a lot while he's staring at me.
Nakaka-ilang naman kasi ang tingin niya. Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti habang nakatingin sa'kin. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. Ngumuso ako bago dahan-dahang uminom ng gulaman.
"You'll be going home after this?" he asked.
Umiling ako. "Hindi. May bibilhin akong mga libro mamaya sa MOA," sagot bago tumingin sa kanya. "pupunta kayo sa bahay mamaya, 'di ba? Mamanhikan na raw."
"Hindi matutuloy 'yon."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "P-paano? Eh, noong isang araw pa nag-aayos sila Mommy!"
"It got moved next month."
Kumunot ang noo ko. "Next month? Ang tagal naman."
He licked his lips. "My parents will be busy, so..." nagkibit siya ng balikat. "anong oras ka pupunta ng MOA?"
"After this. Why?"
"I'll come with you."
I raised my brows at him. "You don't have to, Theo. I—"
"I don't have any plan after this, Celeste. Sasama na lang ako sa'yo. Ayaw mo?" he cut me off.
Nag-iwas ako ng tingin. I bit my lower lips to stop myself from smiling. "H-hindi naman sa ganoon—"
"Good! Diyan lang sa malapit naka-park ang wrangler ko," saad niya at nagsimulang kumain.
Impit akong napahiyaw ng kalabitin ni Chelseah ang tagiliran ko bago lumapit sa'kin. "I heard your conversation, Cel. Go for it! Our sub professor is so handsome to resist," bulong niya sa tenga ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Huwag kang malisyosa, Chelseah!" bulong ko rin.
Kinurot niya ulit ang tagiliran ko. "Sus! Celeste, you're too innocent to noticed that he's hitting on you! Alam ko 'yang galawan na 'yan! Ganyan ako kay Gus, eh!"
Napa-irap na lang ako sa mga sinasabi ng kaibigan ko. How the hell is Theo hitting on me? He's just being friendly. Maybe because Farah is my sister.
"He's just being friendly," saad ko.
"Friendly my ass, Celeste!" aniya bago tumayo. "Sir. Theo, tapos ng kumain si Celeste. She's gonna go now."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kaibigan ko. Ngumisi siya sa'kin bago lumapit kay Gus.
"You're done?" I heard Theo asks.
Tumango na lang ako. "Yes. Tara na at baka gabihin pa tayo," sabi ko na lang.
Lumawak ang ngiti niya. "Okay. Let's go!"
Kinuha ko ang bag ko. "Thank you sa food Chelseah," sarcastic kong sabi sa kanya bago tumingin kay Gus. "thanks, Gus! Masarap ang kalamares niyo!"
Ngumiti siya. "Salamat din."
"Just call me Celeste, Gus."
Tumango siya. "Salamat, Celeste."
Tumalikod na kami ni Theo sa kanila at narinig ko pang sumigaw ang kaibigan ko.
"Sir. Ravonte, paki-ingatan ang kaibigan ko! Lagot ka kay Trevis pag hindi mo nauwi nang maayos 'yan!"
Mariin ko na lang pinilig ang ulo dahil sa pamumula ng pisngi ko.
"I'll take care of her, Chelseah. Don't worry," sigaw na sagot ni Theo pabalik.
Kagat-kagat ang ibabang labi ay nakasunod lang ako kay Theo. We're both silent until we stopped in front of the black tinted wrangler. Mukhang ito ang sasakyan niya.
"After you," ge said as he opened the passenger seat door for me.
Ngumiti ako bago sumakay. As I went inside his wrangler, my nose filled with his manly scent. Parehas na parehas ang amoy niya sa loob ng wrangler.
"So, who's Trevis?" tanong niya nang mapaandar ang sasakyan.
"He's my childhood. I met him when I was six and I'm lucky that I have him in my life," nakangiting sagot ko.
Saglit siyang natahimik bago nagtanong ulit.
"He's just your friend? Nothing more? Wala kang gusto sa kanya o wala siyang gusto sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya na kinagulo ng isip ko.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Why are you asking so many questions?" tanong ko pabalik.
Ngumuso siya. "Bawal magtanong?" He fired back.
Ngumisi ako. "Hindi naman. It's just that you seem very interested in my life, but I know you're just being like this because I'm your fianceé's sister."
His jaw clenched. "I'm interested in your life but not because you're Farah's sister. I am interested because I want you to know more."
I furrowed. "But why?"
Umintig ulit ang panga niya. "It doesn't matter, Celeste. I'm just curious."
Tumango-tango ako pero may naramdaman akong kung anong dumaan na kirot sa puso ko. So, he's just curious?
Seriously! Bakit ba ako nag-iisip ng ibang sagot mula sa kanya? Nababaliw na yata ako!
"Trevis is just my best friend, Theo. Same goes to him," sagot ko bago tumingin sa labas ng bintana.
"Pero, may gusto ka bang iba ngayon?" tanong niya ulit maya-maya.
"Wala," pormal na sagot ko. Hindi tumingin sa kanya.
"Even though you have a lot of suitors? Even Castro?"
"I'm not yet ready to go into a relationship. I just wanted to make my Mom proud at first."
Huminga siya malalim. "That's good to hear," aniya. "just finished your study first bago mag-boyfriend."