THERESA
Taas noo akong naglakad palapit kay Mayor Rosales sa sala. Nakaupo pa rin siya sa sofa kung saan ko siya iniwan at parang mabait na batang naghihintay sa akin. Bakas ang saya sa kaniyang ekspresyon dahil alam niyang hawak na niya ang hinihingi ko.
Mapang-akit akong humakbang palapit sa kaniya at umupo sa tabi ng lalaking pinagbabalakan ko ng masama. Sinadya kong idikit ang aking katawan sa kaniya at ngumiti ng matamis.
Agad namang pumulupot sa bewang ko ang nakakadiring braso ni Mayor Rosales at mabilis na bumaon ang kaniyang mukha sa leeg ko.
"Mabango na ba ako, Tonny?" kunwari ay pilyang tanong ko.
"Napakabango, Princess," puno ng pagnanasa na sagot ni Mayor Rosales.
"Very good, nagsabon akong mabuti, para naman hindi ako mapahiya sa iyo. Kaya lang, wala akong dalang bihisan. Wala rin akong nakitang pambabaeng damit sa silid, kaya isinuot ko ulit ang hinubad ko."
"Don't worry, Princess. Sa susunod na pupunta ka dito, marami ka nang mga seksing nighties at magagandang damit na puwedeng isuot habang narito ka," nagniningning ang mga mata na sagot ni Mayor Rosales.
Kunwari naman ay natuwa ako at nanlaki pa ang aking mga mata.
“Talaga, Tonny?”
Ngumiti siya at dinilaan ang ibabang labi.
“Oo, pangako.”
Mas lalo akong napangiti at mapang-akit na lumapit ang mukha ko sa kaniya at mahinang bumulong.
"Can we start now, Tonny?"
"Sure, nandito na ang hinihingi mo, Princess."
Bahagya ko siyang itinulak sa balikat at tiningnan ang ipinagbabawal na gamot sa harap namin. Nakahanda na ito sa ibabaw ng center table, kaya malanding ngumiti ako sa katabi ko at hinaplos ang dibdib niya at malambing na bumulong sa kaniya.
“Puwede mo ba akong turuan kung paano gamitin iyan?”
“Of course!” mabilis niyang sagot.
Inabot niya ang paraphernalia at nagsimulang humithit ng puting pulbos. Pagkatapos, bumaling siya sa akin at sinabi niyang ako naman at gayahin ko siya.
"I'm not comfortable here… puwede bang sa loob tayo ng silid mo, Tonny?"
Mas lalong nagniningning ang mga mata ni Mayor Rosales. Nagustuhan niya ang sinabi ko dahil akala niya, matitikman na niya ako.
"Of course, you're the boss now," natutuwang sagot ng demonyong katabi ko. "But get ready, I won't be easy on you dahil sobra akong nasasabik sa iyo, kaya babawi ako.”
Tinawanan ko si Mayor Rosales. "You can have me all night, Tonny. Iyan ang premyo ko sa iyo dahil pinagbigyan mo ako at ibinigay mo ang gusto ko ngayong gabi."
Inutusan ni Mayor Rosales ang kaniyang mga tauhan na dalhin sa silid ang droga dahil gusto kong doon kami gagawa ng milagro nang walang makakakita sa akin at nang hindi kami maistorbo.
Kinuha ko ang damit ko sa ibabaw ng sofa at sumama kay Mayor Rosales sa loob ng silid kung saan niya ako dinala. Hindi pa man naisasara ang pintuan ay sinunggaban na agad ng walang-hiyang kasama ko ang leeg ko.
"Napakabango mo talaga, princess. Ang ganda mo at napakaganda ng katawan mo," puno ng pagnanasa na bulong ni Mayor Rosales habang hinihimas ang bewang ko at pagkatapos ay bumaba ang palad sa balakang ko at idiniin ang sarili sa akin.
"Gusto kong may thrill ang gagawin natin, Tonny. We have all night para mag-enjoy at magagawa natin 'yan, kung tuturuan mo akong gumamit ng droga," mahinang sagot ko, pero sapat para marinig ni Mayor Rosales.
Nangunot ang kaniyang noo at tiningnan ako ng may pagdududa. “Bakit gustong-gusto mong gumamit n'yan?”
"Ang sabi kasi ng mga kaibigan ko, masarap daw 'yan, lalo na kapag nagse-seks sila ng mga boyfriend nila, kaya gusto ko rin na ma-experience ang ganyan, Tonny," malambing na bulong ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil si Mayor Rosales at nilubayan ako.
"Sige, mararanasan mo lahat iyan sa piling ko ngayong gabi. Dadalhin kita sa langit."
"Good luck sa pag-akyat sa langit, Theresa," narinig kong natatawang sabi ni Lyn mula sa earpiece na nasa loob ng tainga ko.
Napangiti ako dahil alam kong nakuhanan ng nakakabit na camera sa damit at kwintas ko ang nangyayari sa pagitan namin ni Mayor Rosales.
Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit sa kama at inilabas ang laman ng pouch. Tumayo ako sa harap niya at ipinatong ang damit na hawak ko sa side table para malinaw ang anggulo ng camera at makuha ang mga ebidensyang kailangan ko.
"I'm glad na marunong kang gumamit n'yan, Tonny,” malambing na sabi ko sa kaniya.
“Hindi tayo ipinanganak kahapon, Princess,” mayabang na sagot ni Mayor Rosales.
Gaya ng gusto ko, siya mismo ang nag-setup ng gagamitin namin sa paghithit ng droga. Siya rin ang naunang humithit para turuan ako at kunwari naman ay sinubukan ko, pero napaubo ako.
"Bakit ganito?" kunwari ay inosenteng tanong ko sa kaniya habang panay ang ubo.
"First time mo kasi, masasanay ka rin, Princess," sagot niya.
"Sige nga, gawin mo ulit para makita ko," pambubuyo ko sa kaniya.
Paulit-ulit na ginawa ni Mayor Rosales ang gusto ko, hanggang sa hindi nagtagal, lango na siya sa droga. Napa-ngisi ako nang makita kong nanliliit na ang kaniyang mga mata habang puno ng pagnanasang nakatingin sa akin.
Nagpaalam akong gagamit ng banyo. Pumayag naman siya, kaya tumayo na ako at mabilis siyang iniwan habang patuloy sa pagsinghot ng droga.
Nadatnan kong nakaupo sa gilid ng kama si Mayor Rosales, kaya inaya ko siyang mahiga na sa kama at kunwari ay ibibigay ko na ang sarili ko sa kaniya.
Excitement was evident in his lustful and hungry eyes while shamelessly eyeing me. Halos kainin niya ako ng buo, pero sinabi kong maghubad muna siya bago umakyat sa kama at susunod ako.
Mabilis naman niyang ginawa ang gusto ko. Agad niyang hinubad ang kasuotan at hubot-hubad na nakatayo si Mayor Rosales sa harap ko.
“Mahiga ka na, Tonny,” utos ko sa kaniya.
Para naman siyang masunuring bata. Agad siyang sumampa sa kama at excited na humiga sa kama.
“Tang-ina, hindi tiririk ang mata mo d'yan, Tres,” narinig kong natatawang sabi ni Lyn mula sa kabilang linya matapos makita ang kakarampot na sandata ni Mayor Rosales.
Muntik tuloy akong matawa ng malakas. Gaga talaga ang babaeng ito. Mabuti na lamang at nakapagpigil ako, dahil kung hindi ay makikita ni Mayor Rosales na pinagtatawanan ko siya.
Slowly, I flick my eyes towards my target habang marahang humahakbang palapit sa kaniya sa ibabaw ng kama. Wala siyang kamalay-malay na may masama akong binabalak laban sa kaniya, kaya hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.
Sumampa ako sa kama at malanding pumatong ang katawan ko sa ibabaw ng taong target ko, at mabilis na itinakip ko ang kakarampot na telang hawak ko katapat ng ilong at bibig ni Mayor Rosales na ikinagulat nito.
Segundo lang ang lumipas, lupaypay na ito at wala nang malay. Agad kong ginawa ang sumunod na plano ko. Gamit ang maliit na chip at tracker, idinikit ko ito sa anit ni Mayor Rosales. Kahit maligo siya, hindi niya ito mapapansin dahil masyadong maliit at manipis ang materyal na ginamit ni Aidan dito, pero sapat para ma-track ko ang lokasyon niya kahit saan siya magpunta.
Bahagi ng plano at misyon ko ang sirain si Mayor Rosales sa mata ng publiko at pamilya niya, kaya hinubad ko ang kakarampot na suot kong damit at agad nahiga sa tabi niya.
"Done," sabi ni Lyn mula sa earpiece ko.
Napa-ngisi ako at agad bumangon at bumaba sa kama. Mabilis ang bawat galaw ko. Pinulot ko agad ang aking mga damit na sinadya kong ikalat sa ibabaw ng kama kanina para makita sa bidyo at sa larawang lalabas sa media bukas.
"Sigurado ka ba na malinaw ang kuha sa mga larawan at bidyo namin, Lyn?"
"Oo, malinaw pa sa sikat ng araw," natatawang sagot ni Lyn. "Puwede ka nang umalis diyan, Tres."
“Copy!”
Ginulo ko muna ang mga unan at kumot. Hinatak ko rin sa paanan ng kama ang comforter para kunwari ay nagulo namin ito.
Tinalikuran ko na si Mayor Rosales at kinuha ang damit na ipinatong ko sa tabi ng lampshade at mabilis ko itong sinuot. Kunwari ay pagod at nanghihina ako nang lumabas sa silid kung saan ko siya iniwan na hubot-hubad sa ibabaw ng kama.
Hindi na ako nag-abalang lingunin siya dahil alam kong bukas pa magigising ang demonyong iyon, at sa oras na magising siya ay sasalubungin siya ng nakakagimbal na balitang sisira sa perpekto niyang mundo.
"Aalis ka na?" tanong sa akin ng kanang kamay ni Mayor Rosales.
Sumimangot ako at sinabing binitin ako ng amo niya. "Isang round lang pala ang kaya ng boss mo, tapos tinulugan pa ako."
Nagkunwari akong disappointed sa performance ng kaniyang amo. Bahagya namang tumaas ang gilid ng labi ng kanang kamay ni Mayor Rosales, pero hindi na siya nagkomento at inutusan ang kasamahan na tingnan sa loob ng silid ang kanilang amo.
"Boss, mahimbing na natutulog si Mayor. Mukhang napalaban ng husto at napagod," naka-ngising sagot ng lalaking lumapit sa amin.
Inirapan ko sila nang sabay silang ngumiti sa akin. "Sa susunod, turuan ninyong uminom ng energy drink ang amo ninyo nang hindi nag-iiwan sa ere.”
Hinawi ko ang kamay ng kanang kamay ni Mayor Rosales at walang lingon-likod na tinalikuran ko silang dalawa. Alam kong nakasunod ang kanilang mga mata sa akin, kaya mabilis kong tinungo ang nakaparadang sasakyan ko sa garahe at binuksan ang pintuan, saka sumakay sa driver's seat at agad itong pinasibad paalis.
Hindi ako pinigilang umalis ng mga armadong tauhan ni Mayor Rosales. Walang kahirap-hirap na nagawa ko ang misyon ko at nakaalis nang hindi nila pinaghihinalaan.
Nagawa ko ang inutos ni Boss Draven sa loob lamang ng maikling panahon gamit ang ganda ko, talino, at determinasyon. Isa sa mga dahilan kung bakit ako ang isa sa mga top agent at assassin ng mafia organization na kinabibilangan ko.
Mas mabilis sanang natapos ang aking trabaho kung papatayin ko agad si Mayor Rosales. Walang pasakalye, patay agad ang demonyong iyon at hindi ko na sana kailangan pang lumapit sa kaniya at landiin siya, pero hindi iyon ang inutos ni Draven Madrigal sa akin.
Gusto niyang sirain ko ang mabangong pangalan at reputasyon ng demonyong target ko, at iyon ang ginawa ko.
Ngayong tapos na ang trabaho ko, babalik muna ako sa bahay ni Blake. Doon muna ako pansamantalang mananatili habang hinihintay ko ang magiging resulta ng trabahong ginawa ko ngayon. May apat na araw pang natitira sa palugit na ibinigay ni Draven sa akin. Siguro naman, sapat na iyon para masiguro na wala na ngang kawala sa matalas na mga kuko ko ang mayor ng bayang ito.