Kinuha ko na ang maleta ko at isa kong bag sa aking kuwarto upang umalis na doon. Pasado alas kuwarto na kaya dapat ay makaalis na ako bago pa man siya magising. Ngunit hindi pa man din ako nakalalabas sa bahay niya ay huminto ako. Gusto kong bumalik sa kuwarto niya upang muli siyang silayan. Pero, pinigilan ko ang sarili ko. Isa pa ay hindi ako nakapaghugas ng kimerot ko, kaya iba ang pakiramdam ko. Nagmamadali kasi ako, kaya heto, medyo nangangati ako. Huminga ako nang malalim at kahit mabibigat ang mga paa kong umalis doon, ay naglakad na ako. Masakit mang isipin na muli na naman kaming magkalalayo ni Daniel pero ito siguro ang nakatadhana sa amin. Ang bracelet na ibinigay niya sa akin ang ginawa kong sandata upang hindi siya makalimutan. Pero, ngayon na ibinalik ko na sa kanya i

