"Baka may ulcer ka na, Tina? Magpatingin ka kaya sa doktor," nag-aalalang saad sa akin ni Ate Gellie, ang cook assistant ni Kuya Ariel. "E-Excuse na lang kita kay Ma'am Regine," sambit pa niya sa akin. Pinunasan ko ang labi ko, ngunit muli na naman akong nagduwal dahilan upang lapitan niya ako at binigyan ako ng tubig. Hindi ko iyon iniinom dahil baka, isuka ko na naman. "Kumakain naman ho ako, Ate," sagot ko nang makabawi ako. "Pero, napapansin kong tumataba ka, baka ano? Baka—oh, my! Baka, buntis ka?" mahinang saad niya sa akin. Luminga-linga pa siya baka may makarinig sa amin doon. Hindi ako umimik. Bagkus ay umupo ako dahil nahihilo talaga ako. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paningin. "Isang buwan na ho akong hindi dinadatnan, Ate Janice," malungkot na sambit ko dahilan u

