Ikadalawapu’t dalawa na Kabanata Walang sikreto ang hindi nabubunyag Point of View: Third Person Naisipan ni Clairn na lumabas sa kaniyang silid upang makalanghap ng sariwang hangin. Napili niya sa lagi niyang tinatambayan kung saan sila unang nag-usap ni Warlo. Hindi niya rin kasi maintindihan kung bakit sobrang gaan ng loob niya sa tuwing nandito siya. Ilang araw na ang nakalipas matapos siyang magsimulang magtrabaho para sa mahal na hari. Madalang niya itong makita at tanging kay Joe niya lang natatanggap ang mga misyon na dapat niyang gawin. Hindi naman na siya nagtanong kung bakit dahil wala na siyang pakialam doon. Sa ilang araw na dumaan ay wala siyang makalap na panibagong impormasyon tungkol sa grupo. Talagang naghihigpit ang grupong iyon matapos ang nangyari at mukhang wala

