LVI

1712 Words

Ikalimampu't Anim na Kabanata Pagkilos Point of View: Third Person Malalim ang iniisip ni Clairn habang nakatitig kay Warlo mula sa malayo. Nakatayo siya sa ibabaw ng isang bubong malapit sa silid kung saan nananatili ang ina nito habang siya naman ay nakaupo lang sa harap ng silid at kausap si Emerald. Hinuha niya ay patungkol sa kalagayan ng ina ang pinag-uusapan ng mga ito gaya ng nasa kaniyang alaala noong dito pa siya namamalagi. Pero hindi na siya nag-abala pang lumapit para marinig ang paksa ng mga ito. Hindi pa naman ito ang tamang oras para tanungin ang mga ito tungkol sa Black Knights. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagdating ng isang presensiya. Hindi na siya nagulat pa nang tumabi sa kaniya si Rhonwen at doon ay sabay nilang pinagmasdan ang kaibigan. Saglit na natahim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD