Ikalimampu’t Isa na Kabanata Ang Limang Dekadang Gyera Point of View: Third Person Sky Kingdom, Arkania 1 Year Ago “Sigurado ka na ba sa gusto mo?” tanong ni Vermillion, ang reyna ng Nearon, sa matalik niyang kaibigan. Magkaharap silang dalawa sa isang pabilog na lamesa. May nakahain na mga pagkain sa kanilang harapan ngunit ni isa ay wala pang nagagalaw. Ilang minuto na silang nag-uusap ngunit hindi pa rin nila iyon pinapansin dahil sa mga paksa na pinag-uusapan. Isa pa ay wala silang gana na kumain nang dahil sa mga nangyayari hindi lang sa Arkania, kung hindi pa rin na rin sa nasyon ng Nearon at Albanya. Pagak na natawa ang kausap nito. “Dalawang dekada na tayong magkakilala, Mahal na Reyna. Dapat ay kilala mo na ako ngayon pa lang.” Napabuntonghininga ang mahal na reyna. “Kung

