Nagising ako sa ingay ng mga nagwawala ng baboy sa baba. Bumangon ako at nag-ingat ng katawan. Bakit kaya may maingay na baboy sa baba? May handaan ba?
Naghilamos lamang ako at bumaba na para tignan kung anong nangyayari doon.
"Anong mayroon?" Takang tanong ko kay Silvia.
"Magkakatay sila ng baboy, Binibini. Kaarawan ni Teresa."
Nanlaki ang mata ko, birthday ni Teresa? Wala akong regalo! Napasabunot ako sa buhok ko, papano ako magkakaregalo kay Teresa wala naman akong pera na pambili. Para akong mababaliw kakaisip kung anong ireregalo ko.
"Anong problema?"
Lumingon ako kay Leandro at sumimangot.
"Wala akong regalo!"
Natawa lamang siya sa problema ko, ano ba 'yan palibhasa mayaman siya sa panahong ito.
"Mahalaga ba iyon?" Natatawang tanong niya.
"Oo naman!" Halos pasigaw kong sagot sa kan'ya.
Tumawa lamang siya sa reaksyon ko. Nakakainis! Sa inis ay iniwan ko na siya at nagtungo na lamang ako sa kusina. While watching Silvia cooks, naisip ko na gumawa na lamang ng cake. Sinabi ko kay Silvia ang mga kailangan ko at sinabing mayroon naman daw sila ng mga ganoong bagay. Wala silang oven pero may steamer naman kaya pwede na rin yon.
Hindi ako marunong ng ibang pagkain pero mahilig naman ako mag-bake. I combined all the dry ingredients first before the wet ones. Matapos ay pinagsama ko na, hinahalo ko iyon at napansin ko si Silvia na nakatingin.
"Marunong ka pala ng ganyang bagay, Binibini," nakangiting sabi nito.
"Oo naman, kapag natikman mo ito makakalimutan mo ang pangalan mo!"
"Bakit may lason ba iyan?"
Natawa ako sa kan'ya.
"Haha ay ibig kong sabihin ay labis na masarap ito."
Tumango-tango naman siya. Pag nagkaroon ng panahon ay tuturuan ko siya. Nang kumukulo na ang tubig sa steamer ay nilagay ko na ang isang layer nito at nilagay sa loob ang cake mixture. Hihintayin ko na lamang iyong maluto at habang naghihintay ay gagawa ako ng yema na syang ipapahid ko sa cake mamaya. Wala naman silang chocolate gustuhin ko mang iyon ang flavor.
Gamit ang dilaw ng itlog at gatas ay gumawa ako ng yema. Nilagay ko ito sa kawali at niluto. Nang makuha ko na ang tamang consistency ay inahon ko na ito, in ilagay muna sa lagayan habang hinihintay magluto ang cake.
Nang magluto na ang cake ay pinalamig ko muna ito at nang malamig na ay ipinahid ko na rito ang yema. Nakangiti ako pagkatapos. Nilagyan ko ng cheese ang ibabaw ng cake bagay na mag nagpaganda pa sa cake at mas nakakatakam nang tignan.
Ipinatabi ko na lamang muna kay Silvia ang cake at maliligo muna ako at magbibihis para makapaghanda sa selebrasyon mamaya.
"Ingatan mo yan," pa alala ko pa kay Silvia.
Nakangiti akong nagtungo sa paliguan at doon na rin nagbihis. Nagsimula nang magdatingan ang mga bisita, mga kamag-anak at kapitbahay nila. Abala si Teresa sa mga bisita kaya hindi na muna ako lumapit sa kan'ya. Mamaya ko na lamang siya babatiin.
Habang kumakain ako ng handa ay lumapit sa akin si Elizabeth. Tumabi siya sa akin at doon din kumain.
"Mag-isa ka lang?" Tanong ko sa kan'ya.
Tumango ito at kapansin-pansin na na lungkot ito.
"May problema ba?"
"Wala naman, hindi lamang ako malapit sa pamilya nila dahil sa hidwaan ng aming mga pamilya," paliwanag niya.
Tumango naman ako. Nahihirapan siguro siyang makisama sa pamilya ni Leandro. Kahit naman hindi napatunayan na pamilya nga niya ang pumatay sa magulang ni Leandro ay iyon ang pinaniniwalaan ng lahat.
Habang nag-uusap kami ay narinig kong tinawagan ako ni Teresa.
"Josefa! lumapit ka rito!"
Tumango naman ako at nagpaalam muna kay Elizabeth, labag man sa loob ko na iwan siya doon ay hindi ko naman pweding balewalain si Teresa.
"Sandali lamang ako."
Tumango si Elizabeth at ngumiti para ipakita ng ayos lamang siya. Naglakad ako papalapit kay Teresa. Napapalitan siya ng mga babaing ngayon ko lamang nakita.
"Josefa, nais kitang ipakilala sa aking mga pinsan."
Ngumiti ako sa mga babaing kasama niya. Ang mga ito ay kayumanggi ang kulay ngunit halata rin na hindi basta-basta lang, may mga kaya ang mga ito.
"Si Felissa," turo niya sa babaing nakangiti pero kung pagmamasdan mo ay mukhang masungit.
"Si Juana," ngumiti sa akin ang babae, mukhang mahinhin ang isang ito.
"At si Karminsita," ang huli ay malapad na ngumiti sa akin.
Umangkla sa akin si Teresa bago bumaling sa mga pinsan.
"Si Josefa, ang pinakamagandang babae na kaibigan ng kuya ko at parang ate ko na," masayang pagpapakilala sa akin ni Teresa.
Nagtawanan ang kan'yang mga pinsan.
"Tunay ngang maganda, hindi na ako magtataka sa mga balita ng na kakarating sa akin," makahulugang wika ni Karminsita.
Mahinhing tumawa si Juana bago nagsalita,
"Hindi na nga nakakagulat kung sakaling maging bahagi ka ng aming pamilya."
Tuwang-tuwa naman akong inalog-alog ni Teresa. Hindi ko man sila naiintindihan ay masaya ako na parang tanggap nila ako. Matapos ang ilang pag-uusap ay bumalik na ako kay Elizabeth.
"Mabuti ka pa tila gustong-gusto ka nila," malungkot na wika niya.
Parang na guilty naman ako nang makita ang malungkot na mukha niya. Hindi ko naman pinilit ang mga pinsan ni Teresa na gustuhin ako pero bakit parang kasalanan ko na malungkot si Elizabeth.
"Magugustuhan ka rin nila," pag-alo ko sa kan'ya. "Lalo na kapag nai-kasal na kayo ni Leandro.
"Sana nga."
Ilang sandali pa ay may mga kala lakihan na dumating na may dalang malaking kahon. Binuksan nila iyon at tumambad ang malaking cake.
"Nagustuhan mo sana," si Elizabeth Kay Teresa.
"Maganda, salamat."
Nagulat ako nang makita ko si Silvia dala ang cake na gawa ko papalapit kay Teresa. Huli na para pigilan ko siya, malayo ako at napakita na niya ito sa may kaarawan.
"Binibining Teresa," ipinakita niya kay Teresa ang cake, "Si binibining Josefa ang gumawa."
Halos gustuhin ko na lang kainin ako ng lupa, walang wala iyon sa bigay ni Elizabeth. Tatlong layer ang kay Elizabeth samantalang maliit na square lamang iyong akin.
"Talaga? Si Joefa ang gumawa nito, Silvia?" Gulat na tanong ni Teresa.
"Oo, binibini," tila proud na proud na sabi ni Silvia.
Agad na kumuha ng tinidor si Teresa at kumuha ng maliit na piraso sa cake na gawa ko. Mabilis na ngumiti si Teresa nang matikman niya iyon.
"Itabi mo iyan, Silvia, akin lamang iyan," lumingon siya sa mga bisita at ngumiti. "Paumanhin kung magiging marmot ako, nais kong sa akin lamang ang regalong iyon ni Josefa."
Nagtawanan lamang ang mga bisita sa sinabi niya. Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang sabihin niya iyon. Masaya akong nagustuhan niya ang ginawa ko. Patakbong lumapit sa akin si Teresa at niyakap ako nang mahigpit.
"Josefa, labis mo na naman akong pinasaya."
Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko at dinig ko ang mahinang paghikbi niya. I hugged her tightly.
"Ang namayapa kong ina ay mahilig ding gumawa ng matatamis na pagkain, pakiramdam ko ay muli kong natikman ang luto niya."
Tumulo na rin ang luha ko, I miss mama too. Walang pagkain ang mas sa sarap pa sa pagkaing niluto ng isang ina.
Mula sa kinaroroonan namin ni Teresa ay kitang-kita ko ang malungkot na tingin ni Elizabeth.