AVA POV But before that, pupunta muna ako sa Dentist para ipaayos ang ngipin ko at pupunta ako sa derma para magpa facial. I want to bring back the old me during those times na para bang walang nangyari. Feeling ko kasi ay ang laki ng pinanget ko right after ng malagim kong mga pinagdaanan. Maybe tomorrow? Magsasama kami nitong si Sean at para mai treat ko siya. "Isingit ko lang ha? Bago yan, dapat tuloy muna ang Tagaytay natin. We deserve to have a vacation kahit bukas, magpa file ako ng leave," pag singit ni Chelsey. "Ako din, free ako bukas," sambit ni Garry. Napatingin ako kay Sean, "Pass muna ako! May importante kaming lakad nitong si Sean." "Ayieeee! May date pa pala kayo ha?" panunukso ni Garry. "Parang ganun na nga, ang dami namin kaylangang bawiin nitong si Sean," sag

