SEAN POV Nahihiya pa ako na narinig ito ni Chelsey na para bang nahiya bigla. Alam kong bukod sa nagulat siya ay masama rin ang kanyang loob niya ng marinig ang mga ito. "Tito, friends po kami ni Ava at siguro mali rin na nagsuot po ako ng two piece sa harapan ng boyfriend niya at kung nagselos man talaga siya, lubos po akong nanghihingi ng tawad sa kanya and I wanted to say it in person po. Kaya sana ay magkita kami ng kaibigan ko. May specific time po ba siyang sinabi sa inyo kung kaylan siya darating ulit? Kasi no matter how busy I am, gagawa po ako ng paraan upang makausap siya." "Chelsey, malayo ang pinuntahan ni Ava at malamang ay sobrang busy niya. Basta, ayaw niyang ipasabi sa inyo kung saan siya nag punta at kung ano ang mga sinabi ko kanina, wala na akong idadagdag pa. Pero t

