Sa kabila ng sinabi niya ay papanindigan ko pa rin na manatili ako dito sa loob ng aking office at hihintayin ko si Sean na dumating. Ngumisi ako kay Ma'am Anna at umalis na siya dito sa loob ng office ko. I tried contacting Sean again but to no avail. Talagang walang paramdam ang mokong na yun. Naiinis ako sa kanya, kumukulo ang dugo ko sa pagkayamot. Bandang 7 pm in the evening ay dinapuan na ako ng gutom. Lalabas na sana ako para maghanap ng mga employees na mauutusan ko ngunit may pumasok ulit sa loob. But it was not Sean, si Garry na nakasuot pa rin ng coat at may paper bag na siyang dala. Naaamoy ko pa rin ang pabango niyang pambabae. "Walang hiya ka Ava, ano ito ha? Kung kaylan ka nag buntis ay tsaka ka mag oovertime? Anong nangyari ha?" "Gaga! Anong overtime ang sinasabi mo

