Clintom POV Hayss depress ako ngayon matapos ang nangyari kahapon hindi ko talaga inaasahan na ganun si Suju pero sa huli wala naman akong magagawa kahit pagpilitan ko pang magingg straight guy sya. Sinabihan ko na sya kahapon na wag sosobra sa pagiging bading na sasali sa mga gay pageant o di kaya makipagboyfriend at sinabi ko na rin sa kanya kahapon ako na bahala kila mama at papa na sabihin sa kanila ang tunay nyang pagkatao. Sya nga pala papunta ako ngayon sa principal office para ibalik yung usb na naiwan ni Mr.Lopez yung aming principal. Kumatok ako pero walang tao kaya sinubukan ko na lang buksan yung pinto pagkabukas ko wala nga tao kaya naisipan ko na lang ipatong sa desk nya pero aksidente kong nahulog yung usb. Pagkapulot ko naramdaman ko may sumuntok sa ulo ko parang may b

