Pauwi na ako sa bahay at nagiisip kong paano ulit ako makakahanap ng trabaho.Hiindi panga ako nasasahuran pero wala na akong trabaho.Kaiyak.
Ayoko na, Siguro hihinto nalang ako sa pag aaral para maghanap ng permanent job.Siguro ayos na yun.
Matagal ko narin namang plano iyon-
"OMG!" sigaw ko nang makita ko ang bike sa harap ng bahay namin. Tumakbo ako papunta dito at tinignan kung ito nga 'yon, Kinapa-kapa ko ito at tinignan kung nakadikit parin ba ang spongebob sticker na ipinadikit ko noon dahil lucky charm ko 'yon.
Omg? Eto nga.Niyakap ko ang bike sa sobrang saya.
__________
Dali dali akong pumunta sa pinagtatrabahuhan ko para isauli ang bike. "Sir!" Tawag ko sa manager ko.
"Oh Ms. Hernandez nandito kana pala mukhang ginabi ka ata" saad ni sir.
WAHHHHH WALA BANG NAGREPORT? WAHHHHHHH.
YEHEYYYYYYYY MAY TRABAHO PAKOOO OMGGGGGG.
"Syempre sir masipag ata 'to" saad ko habang tinuturo ang muscle braso.
"O sige na uwi na baka gabihin ka pa lalo" saad ni si manager at tinanguan ko siya.
Medyo malayo layo na ako sa kaniya kaya.
"WAHHHHHHH!" sigaw ko sa sobrang saya. Halos magkanda talon ako sa sobrang saya.
Salamat sa magnanakaw na nagnakaw at binalik, Siguro napagisip isip na non magbago dahil sa spongebob sticker na nakadikit doon, Sabi na lucky charm 'yon.
_________________
HAYSSS KAANTOK TALAGA PUMASOK.
Eto ako halos humiga na sa upuan habang nagtuturo ang adviser.Nasa likod naman ako kaya hindi niya ako makikita.
"Zoe nakikita kita" saad ni Maam Luna.
WAHHHHHHHHHH
"HI ma'am nakikita ko rin po kayo" saad ko at umayos sa pagkakaupo.Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.
Grabe ang angas ko.
Sinamaan nya ako ng tingin "hehe joke joke lang" saad ko at nag piece sign.
"KAASARRR" saad ko habang palabas ng Room.
"Oh Zoe bat mukha kang naluge?" Saad ni Kevin habang kumakain ng ensaymada at si Calyx na nasa tabi nya.
"Pinaquiz ako ni ma'am mag isa pagkatapos ko mag angas" saad ko at mukhang ewan akong naglakad dahil sa hirap manghula ay mag sagot pala."Bakit ka naman hagard eh hinulaan mo lang naman yon" saad ni Calyx at natatawa.
"Hoyyy hindi ah, Gumamit kaya ako ng utak pero hindi ko nalang ginamit kasi wala naman laman" saad ko at nagtawanan sila.
"Edi nanghula kanga?" Tanong ni Calyx sakin. "Unti" saad ko at tumawa na naman sila.
"HOY HINDI PORQUE MATALINO KAYO PAGTATAWANAN NIYO NA AKO!" sigaw ko sa kanila."Mag aral ka na kasi ng mabuti" saad ni Kevin.
Nagulat ako ng may lumapit sa amin na dalawang babae. Isang magandang short hair na maikli ang skirt at isang longhair na maganda at ubod ng puti.
"Sige na umamin kana" saad ng isa.Anong aaminin nyo sakin?. "Ayoko nahihiya ako" saad naman ng isa na short hair.
Bakit naman kayo mahihiya sakin?.
"Kayong dalawa anong aaminin niyo sa'kin?" Takang tanong ko. "Hoy assuming ka, Hindi sayo" saad nung isa.
"HOY WALA AKONG PAKE SINO BA KAYO AT LUMAPIT LAPIT KAYO DITO!" sigaw ko sa kanila, Aba maldita pala ah.
"Hays epal talaga sya lagi 'no" bulong nung isang babae sa kasama nya.
"ANONG SABI NY-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng inakbayan ako ni Calyx.
"Pasensya na maingay talaga 'to" sabay turo nya sakin at kinilig naman yung dalawa."BITAWAN MO NGA AKO" saad ko at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"C-calyx" saad ng isa habang ako nakatingin lang sa kanila.Kaya tumingin sakin yung dalawang babae.
"ANO?" tanong ko.
"Pwede bang umalis ka muna? Nakikisali ka eh" saad niya.
"WAHHHH CALYX PIGILAN MOKO PAPATULAN KO'TO!" Sigaw ko napaatras naman ang dalawa at bigla akong hinila ni Kevin.
"Pre awat na" saad nya at hinila ako palayo."Napakataray ng babaeng 'yon" saad ko na naiinis.
"Pre mali karin naman" sabi ni Kevin habang ngumunguya ng ensaymada."Ano bang mali don?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila.
"Malamang aamin kaya yung babae kay Calyx tapos nandun ka?" Saad nya."Wala akong pakealam kung umamin sila hindi naman sila maangas tignan" saad ko.
Nandito kami sa kalayuan at nakatingin sa kanila.
Ngumisi nalang si Kevin.Hays antagal naman nila magusap. Chikahang babae bayan.
Anong chinichismis nila kay Calyx?.Matanong nga mamaya.
Agad namang natapos ang usapan nila at nakita kong papalapit na si Calyx saamin.
"Anong sabi nila Calyx? Tungkol ba sa kagandahan at kaangasan ko pinagusapan nyo?" Tanong ko kay Calyx nang lumapit na siya sa amin at may dalang tsokolate.
"Ano yan Calyx pinabibigay bayan para saken?" Tanong ko sa kanya."Hays assuming ka Zoe" saad ni Kevin sa likuran."Manahimik ka dyan" saad ko.
"Oh" nagulat ako ng inabot sakin ni Calyx ang chocolate.
"Wahh sabi sayo Kevin para sakin 'to eh" saad ko at kinuha sa kamay niya 'yon ng masaya.
"Hawakan mo lang yan" saad ni Calyx na agad na ikinaseryoso ng mukha ko.
"Ayoko sayo na 'yan!" Sigaw ko at hinagis sa kanya.
Nasalo naman nya ito.
Umalis na ako at naunang maglakad sa kanila, Nakakainis paasa.
"Joke lang Zoe sayo na'to" saad ni Calyx pero 'di ko sya pinansin,Sayo nayan.
Hindi ko 'yan tatanggapin kahit anong pilit mo.
______________
"Ang sarap naman nito!" Sigaw ko habang tinataas ang chocolate.
"Grabe ang angas ko talaga kaya nila ako binibigyan ng Chocolate" saad ko at kumagat sa Chocolate.Ang sarap.
"Hindi nga para sayo 'yan Zoe" saad ni Kevin.
"Inggit kalang" saad ko sa kanya habang kumakagat sa Chocolate.
"Ano pre kamusta may nagkakacrush na naman ba sa'yo?" rinig kong tanong ni Kevin kay Calyx.
"Oo pre, Hindi ko sana tatanggapin yung Chocolate kaso nagpacute eh" bulong nya kay Kevin habang ako abala kumain.
Akala ko para saken 'to.Nakakainis naman."Daming nagkakagusto sayo pre ah, kelan mo balak magka girlfriend" tanong ni Kevin kay Calyx.
Hayss masamang ehemplo talaga 'tong gunggong na'to.
"Hindi na pre meron na eh" saad ni Calyx at umakbay sakin. "WAHHHHH! meron ka nang girlfriend?" Tanong ko.
"Bakit hindi ko Alam?" Tanong ko sa kaniya.
"Syempre Secret ko lang 'yon" saad nya at tumawa."ANONG NAKAKATAWA!" sigaw ko.
"Ang kalat mo kumain" saad nya at pinunasan niya ang bibig ko ng panyo.
"Ako na hindi na ako bata" saad ko at inagaw sa kanya ang panyo.Pinunasan ko ang bibig ko at wow, andami nga.
"Oh" balik ko sa kanya ng Panyo. "Kadiri ka Zoe " saad ni Kevin.
"Anong kadiri d'yan pinunas ko lang 'yan ng bibig ko" tanong ko.
Nagkwentuhan at nagtawanan kami habang pauwi. The best na memories ang ganito ang sarap sa feeling.
The best talaga sila kasama pag uwian.
Ang totoo gusto ko ring magkaroon ng babaeng kaibigan kaso bakit nila ako nilalayuan?.
Mabaho ata hininga ko.
Pero natitiis naman ng dalawang 'to ang badbreath ko kaya okey na 'to.
____________
"Papa" sigaw ko.
Nakita ko si papa na may kasamang ibang babae.
"Papaaaaa".
Lumalabo sila habang lumalayo.
"Papaa wag mo kaming iwann" sigaw ko ngunit hindi ko na sya maaninag nakita ko ang umiiyak na si mama sa tabi ko.
"Anak" narinig kong banggit ni mama.
"Anak binabangungot ka ata" nararamdaman kong niyuyugyog nya ako.
At
"PAPA!" Sigaw ko ng napaupo ako at nagkauntugan kami ni mama."Aray" saad ko."Ma, ang sakit ah ang tigas pala ng ulo niyo" pabiro ko nung nakita ko si mama na nasa harap ko.
"Anak ayos kalang?" Tanong nya."Oo ma bakit?" Tanong ko naman.
"Wala, wala sige na bumaba kana at kumain nakahanda na 'yon may pasok kapa" saad ni mama at naglakad na palabas.
"Sige ma, on the water muna ako" saad ko.
Oo napaginipan ko nga si papa.Ang unang lalaking nangiwan sakin.Isang bangungot ang panaginip ko.
Napakasamang bangungot. Ayoko na ulit maulit ito.