CHAPTER 1

1413 Words
"NAKAKAINIS KA!" sigaw ko habang naglalakad ako pauwi. NAKAKAASARRRR! Pasalamat sya nagpigil ako at hindi ko sya ginamitan ng makamandag na sapak hayss.Sinandya ko talagang hindi sya tamaan kanina pero sa susunod uubusin ko na ang lahi nya. ______________ "Oh anak bakit para kang basang sisiw? Hindi naman umulan ah" tanong ni mama ng nabuksan na ang pinto. Kaya umakyat na ako at hindi na sinagot si mama sa sobrang badtrip kainis.Nakita ko namang natawa ng mahina si mama, aba mama kasabwat ka. Naligo nalang ako dahil ang sakit ng katawan ko dahil sa pangit na yon?! Ma flasback nga. ---FLASHBACK--- BOGSHHH! "WAHHHHHHH!" sigaw ko ng ihulog nya ako sa fountain. Kainissss! "Yan dyan ka magparape sa tubig" sabi nya at tumawa with matching hawak tiyan. Nagmukha syang unggoy epal sya! Sinamaan ko sya ng tingin at nakita ko na ang napakapangit nyang mukha. Oo pogi sya kita ko ang ganda ng kaniyang mata. pero pangit na sya sakin ngayon! "f**k YOU!" sigaw ko at inilahad ang middle finger to the world ko sa kanya. Tumawa parin sya ng tumawa at tumalikod na at waw may pahabol pa nagmiddle finger to the world rin sya ng patalikod. "CHEE! HINDI MUKHANG MAANGASS! MUKHA KANG UNGOYYYYY!" sigaw ko dahil sa inis. NAKAKAINIS. "Manahimik ka dyan Palengkera" sigaw nya at hindi ko na sya nakita pa dahil sa dilim ng lugar. BWISIT KAKATAYIN KO SYA AT IPAPAKAIN SA ALAGA KONG ASO HA HA HA HA. wala nga pala kaming aso. Pero WALA AKONG PAKEE AKO ANG KAKAIN!. iw, ang sagwa ayoko wag nalang baka lasang kanal.Tumayo ako at umalis na sa fountain. "Ang baho grabe ilang taon natong tubig dito?" Bulong ko ambaho eh. Pero syempre andami ring piso sa fountain kumuha lang ako pambili ng stick o para gawing yosi. Para dagdag Angas. END OF FLASHBACK _________________ "TABI! ANO PAPALAG KA?!" sigaw ko sa nakatinging grade 1 student sakin dahil kita ko sa patch niya at dahil wala akong kinakatakutan. Hah tumabi sya at papaiyak na ganun ako kaangas kaya sa muli naming pag kikita. KAKATAYIN KO SYA "Ano bang ginagawa mo Angel pati bata pinapatulan" sagot sakin ni Kevin na tropa ko. "WAG MOKONG TAWAGING ANGEL!" sigaw ko sa kanya. "Ay sorry Zoe nga pala" sabi naman nya.Yan ganyan matakot lang kayo sakin.Naglakad na kami papuntang School. "bad trip ako ngayon" maangas kong saad."Lagi naman" nagulat ako ng may umakbay sakin. "Calyx bro, andyan kana pala" saad ni kevin.Sila nga pala ang tropa ko at Kababata ko. Si kevin at si Calyx. Maipagmamalaki ko 'to Ang gwapo kaya neto Ha! Mas gwapo pa sa bwisit na panget nayon. "May Pantapat din ako sa mukha mo" bulong ko at narinig iyon ni Calyx. "Naka drugs kaba" Tanong ni kevin sa seryosong mukha at nagtataka. Sosyal ang Angas tignan pero wala sakin yan. Kaya binatukan ko sya dahil sa sakit ng batok ko napahawak sya sa ulo at natanggal ang pag akbay nya sakin. "Yan masakit diba? Mas masakit pa dyan nangyare sakin kagabi! Tas sasabihin nyo naka drugs ako!" Naiinis kong saad. "Kalma lang Zoe ansakit ng batok mo eh" sabi ni Calyx habang si kevin ay kumakain pala sa gilid kaya pala nananahimik. Dahil gutom ako. "pahingi nga" at inagaw ko sa kanya ang tinapay."Wahhhh zoe akin yannn" yann ganyan magmakaawa ka. "Bahala ka dyan" saad ko at hinatian si calyx na agad naman nyang tinanggap. "BLEHHH mainggit ka badtrip ako ngayon kaya dadagdagan ko Angas ko" sambit ko sabay kagat ng sandwitch. "Yan ang Zoe namin" saad naman ni Calyx at kumagat din ng Sandwitch. WAHAHAHAHAHAHA ANG KAWAWANG KEVIN AY PAIYAK NA WAHAHAHAHA. Habang naglalakad kami kwinento ko sa kanila ang nangyare sakin kagabi at pinagmayabang ko sa kanila ang kaangasang ginawa ko. Andito ako sa loob ng Classroom at nag aaral ng mabuti.Joke lang andito ako sa Classroom at nag cecellphone ng palihim. Chinachat ko ang mga dati kong tropa na naka graduate na. Umulit kasi ako ng pag aaral dahil sa Personal Problem kaya secret ko na yun. ___Group chat____ Zoe:Mga pre may maiooffer ba kayong part time job sakin? Hiro: May part time job kalang nung nakaraan ah. Neo: oo nga pre. Zoe: Tinanggal na ako. Levi: meron akong alam. Zoe: talaga ba? Salamat naman kung ganun hehe:) Levi: Magdedeliver ka ngalang ng fast food sa mga bahay-bahay Zoe: oo okey lang basta may trabaho saan nga pala yun? _________ "YES!" sigaw ko ng may trabaho pang bakante para sakin. "Yes? Ms. Hernandez?" Nagulat ako ng naalala kong nasa klase pa pala ako."Y-yes yes po maam yung sagot ko sa tanong nyo hehe" sagot ko pa. Nakakawalan ng angas ang ginawa ko tsk."Verry good Ms. Hernandez masaya akong nakikinig kana ngayon" saad nya at nagpatuloy ng magturo. Nakikinig naman talaga ako ah pshhh.Pero okey lang may trabaho na ulit ako. Gusto kong tulungan si mama dahil kinakapos din kami sa pera. Nagtitinda lang kaya si mama sa palengke kaya tuwing umaga tinutulungan ko syang magtinda sa palengke at sabado linggo naman ang part time job ko. Ibabalita ko 'to kila Calyx. ________ Uwian na namin kaya nakalabas na ako ng gate at sa waiting shed sa labas ng school nag hihintay ang tropa ko kaya pumunta na ako dun. Magkaiba kami ng section kaya yun nga.Nasa higher section sila samantalang ako section ewan.Nakita ko na ang tropa ko kaya tumakbo na ako. "Hoy may trabah- Aray" nagulat ako dahil nabangga ko ang poste ay mali. "Aray ansakit! Di ka man lang mag sosorry?!" Sigaw ko sa lalaking matangkad na nakatalikod, o diba, ang angas ko. Nalanghap ko ang mabangong amoy dahil malapit ako sa kaniya aba, fresh siya ha tas ako nalanta na. Kahit ako naman ang nakabangga pero dahil kailangan kong maging maangas sya na ngayon ang may kasalanan. Naka mask sya nung Humarap sa akin kaya binaba nya ang mask nya kita ko ang matangos niyang ilong at mapulang labi sa ganito kaliwanag na lugar dahil sa ilaw at nakita ko ulit ang gwapo- Ay mali unggoy syaa! Antangkad nya at naka black T shirt, masasabi ko ring malaki ang katawan nya masasabi kong mas maitsura siya sa ganito kalapit na pwesto. "WAHHHHHHHHHHH" tuloy tuloy kong sigaw habang nanlaki ang mata at nakaturo sa kanya. Bwisit, sya yonnn! Sya yung lalaki!. aba tadhana nagkita na naman tayo. "hoy Zoe, anong ginagawa mo?" Tanong ni kevin na papunta na sa amin pero ako sumisigaw parin. "SYAA! SYA YUN YUNG PANGIT NA KWINEKWENTO KO SA INYO" saad ko kila Kevin at Calyx habang ang lalaki ay parang walang pake. Nakita ko ang ganda ng mata niya na nakatingin saakin. "Hoy babaeng palengkera tumatagos yung maingay mong boses sa earphone ko" malamig nyang saad at saka umalis para tumalikod. Uwian na ngayong 6:00 Pm kaya medyo madilim na pero tanda ko ang panget nyang mukha 'no, matalas memory ko kaya kahit mukha siyang bacteria matatandaan ko. "WAHHHHH!" sigaw ko ulit at hinabol sya para hawakan ang braso nya. Pinipigilan ako nila kevin pero tinuloy ko parin ang paghihiganti. "SA TINGIN MO MAKAKAALIS KA PA!" sigaw ko at pilit syang iharap pero hindi ko magawa kasi ang laki nya kaya ako nalang ang pumunta sa harap nya. "Ano na naman ba?" Tanong nya at tinanggal ang earphone nya. "PAMASK MASK KAPA ANG PANGET MO NAMAN" sigaw ko. at nakatingin lang sya saakin na may boring na reaction. "ang panget mo rin kaya" saad nya na ikinagalit ko.Kwinelyuhan ko sya kahit matangkad sya wala akong pake. Dagdag angas to. "NAALALA MO BA TONG MUKHANG 'TO" saad ko at tinuro ang mukha ko. Kaya nagulat ako ng linapit nya ang mukha nya sa akin kaya nanlaki ang mata ko, aba. Nagulat ako ng may humila sa damit ko sa likod at nagsalita. "Pre distansya" saad ni Calyx habang nakatingin sa lalaki. "Aray Calyx bitawan mo nga ko" saad ko at agad naman nyang binitawan.Tumingin sakin yung lalaki at ngumiti. "Hindi naman kita nakalimutan" saad nya na nakangiti na tila bang nakita niya na ako dati pa at tumalikod na at nag lakad palayo. Sandali! Hindi pa ako nakakaganti! "SANDA-" susundan ko pa sana sya ng hilain ni Calyx bag ko at naglakad na kaya nakatalikod akong naglalakad. "Tara na Zoe" saad nya. "WAIT hindi pa ako nakakabawi!" Saad ko habang tinatanggal ang kamay nya. "Huwag kana ngang makulit" sabi naman ni Kevin at dahil dalawa na sila laban sakin pumayag nalang ako at naglakad na kami pauwi habang ako nakasimangot parin. Kainis nakatakas payon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD