“Ate, tara na!!” unang lumabas ang kapatid ko sa sasakyan habang natatawa si Mr. Shein na ibinaba ang binata ng sasakyan niya. “Dave, you need cash? Just tell me!” Ngumiti siya ng pagkalaki-laki at umiling. “Kuya, huwag na. Baka bawiin ni ate ang ibibigay mo. Ayaw pa naman niya no’n,” natatawang sabi ng kapatid ko dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. “Anong ibig niyang sabihin?” nagtataka kong tanong kay Mr. Shein na hindi na magawang tumingin sa akin. Tinignan ko si Dave at agad itong sumipol at tumingin sa malayo. “Anong pinag-usapan niyo dalawa?” kunot noong tanong ko sa asawa ko. “I’m planning to give him a car,” nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong car? Seryoso ba siya sa mga pinsagsasabi niya? “Mr. Shein? Naririnig mo ba ang sarili mo? Car?” “It’s a gift, baby. Besi

