Magkaiba ang tattoo nila ni Mr. Shein. Mali ba ako ng hinala? Hindi ba siya ang asawa ko? Tumila na ang ulan at nasa loob na kami ng bahay. Hindi na kami ang nagsabi kay inay na manatili kami sa bahay dahil siya na mismo ang nagkusa na doon kami matulog. Pagkalito at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Konsensya ang kumakain sa buong sistema ko mula ng makita ko ang tattoo kanina. Hindi ko aakalain na sa tanang buhay ko ay nagkamali ako ng akala sa isang bagay. Masayang nakipag-kwentuhan ang inay at Dave kay Harold. Hindi ko kayang makasabay sa kanila. Tumayo ako kaya lahat sila ay napatingin sa ‘kin. Ngumiti ako sa kanila, “a-ano.. Punta lang muna ako kay Shiela, nay.” “Ano? Gabi na ah!” Sabi ng nanay. Umiling ako at hilaw na ngumiti. “Si inay naman. Parang hindi sanay. Kahit nga ma

