Agad kong niligpit ang gamit ko nang matapos ang klase. Huminto si Edmund sa gilid habang iyong mga studyante ay humirit pa ng litrato kay Harold. “Tayo na?” aya ni Ed sa ‘kin. Tumango ako at kinuha ang bag ko. Paalis na kami nang bigla akong tawagin ni Harold dahilan kung bakit napahinto ang lahat. “Stay here Ms. Lorelay. May pag-uusapan pa tayo about your eyes condition as per the chairman requested. Besides, magpapatulong din ako sa ‘yo para sa upcoming celebration ng English month.” Nang marinig iyon galing sa kaniya ay dahan-dahan ng umalis ang mga studyante. Gusto kong tumanggi pero naiintimida ako ng mga titig niya. Tumingin ako kay Edmund na seryoso namang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. “Magkita nalang tayo bukas Ed,” sabi ko dahil ito lang naman ang subj

