“May Leukemia ka. Kailangan mong manatili dito,” mahinang sabi ni Mr. Shein na nagpatigil sa kapatid sa paglalakad. Sobrang nagulat si Jayden sa sinabi niya. ‘Huh?’ Ang tanging nasabi niya lang sa kaniyang isipan. Gulat niyang nilingon ang mga ito. Nang sabihin ng doctor kanina ang kundisyon ni Jayden ay nagulat si Mr. Shein na kahit siya mismo ay hindi makapaniwala. Nakaramdam siya ng takot para sa kapatid niya. Nag-uumapaw ang galit niya dito ngunit nang sabihin ng doctor na may Leukemia ito, para siyang nabingi sa narinig. Ngayon, ay hindi na niya matignan sa mga mata ang nakakatandang kapatid, na siya namang nakatingin ng diritso sa kaniya. Takot, gulat at iba’t-ibang emosyon ang namutawi sa mga mata ni Jayden. “That’s too much Oliver. Alam kong galit ka sa akin but huwag mo naman a

