“Zee, para ka ng papa sa dalawang gwapo na baby na ‘yan,” nakangiting ani ni Mia- my lovely Ob-Gyn na nagpaanak sa akin. Kasalukuyan kong pinipirmahan ang papel para sa birth certificate ng dalawa. Si Lyrico Shein at Muico Shein. “Musico likes me,” tuwang tuwa na sabi ni Zee dahil mahimbing itong natutulog sa kaniya while Lyrico is not. Kapag kinukuha siya ni Zee, bigla itong iiyak kaya ibababa niya agad ito o ‘di kaya ay ibinibigay niya kay Auntie. “Kamusta na ang pakiramdam mo beautiful mommy?” natawa ako sa sinabi ni Mia. Isa din siyang volunteer galing St. Heaven Hospital kasabay ni Zee. Dapat ay anim na buwan lang sila sa Harver but nagpasa sila ng application para magpalipat dito sa probinsya. Magkapatid lang naman ang may-ari ng Heaven at Harver at sa pagkakaalam ko ay, mga kapat

