10 years ago “You’re so panget..” umikot ang mata ng nagdadalagang si Lorelay habang bitbit ang isang yelo na binili niya sa tindahan. “Ano na namang ginagawa mo dito Munmun?” kunot noong tanong niya habang nakatingin sa nakangising nagbibinatang si Edmund. “Ikaw naman. Let’s forget the past. Besides totoo naman na panget ka talaga..” Sampung taon palang si Lorelay nang nakilala niya si Edmund na kakalipat lang sa bayan nila. Walang ginawa ang lalaki kun’di ang paglaruan o kulitin siya kada magkita sila. Apat na taon na mula no’ng una silang magkita at hanggang ngayon ay nakasunod pa rin si Edmund sa kaniya at kinukulit siya. “Umalis ka na nga. Naalibadbaran ako sa ‘yo. Mukha ka pa namang aso.” Nakasimangot na sabi ni Lorelay kay Edmund at pumasok ng bahay at iniwan ito sa labas. Napa

