“You need to see her,” ani ni Lee. Nasa bahay sila ni Mr. Shein ngayon dahil ngayon ang pagdating ni Lorelay sa mansion. Huminga ng malalim si Mr. Shein. Gusto niya ngunit hindi niya alam kung paano. “Garden lang kami,” tumango siya kina Lee at Rich saka naghintay sa labas ng bahay. Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong hininga at maya-maya pa ay namataan na niya ang sasakyan niya na palapit sa kinaroroonan niya. Alam niyang nasa loob no’n ang asawa niya. Nagsimula na namang manginig ang binti niya sa kaisipang magkikita sila ni Lorelay ngayon. Kaya bago pa man makapasok ang sasakyan niya ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay at tinawag niya si manang. “Pakihintay ang asawa ko manang. Sabihin mo na hihintayin ko siya sa garden.” Tahimik na tumango si manang at dumiritso si Mr. S

