Napaaga ang kaniyang pag-alis sa kanilang bahay para puntahan ang flower shop na pinanggagalingan ng mga bulaklak na pinapadala sa kaniya. Napahinto siya ng kaniyang kotse ng madaanan niya ang dating pinupuntahan nila ni Lune Bleue. Nakaka-miss kumain ng street food kasama siya. Hays, kainis naman! Araw- araw ko na lang siyang na-mi-miss. Siya ba? Na-mi-miss niya rin kaya ako? Napahawak siya sa kaniyang ulo, "Hays, Yoona tama na! He's already with someone else kaya ano ba girl?! Will you stop thinking about him?" Sermon niya sa kaniyang sarili. Pinaharurot niya na ang kotse patungong flower shop. Heto na ba iyon? Ay, oo, ang gaganda ng flowers. Aniya. Ihininto niya ang kaniyang kotse sa harap ng flower shop. Dali- dali siyang bumaba ng kotse at nilapitang ang babaeng naroon. "Goo

