Chapter 92

1219 Words

"Sigurado akong matutuwa ang papa ninyo ng mga dala nating ito," bulalas ng ina ni Yoona habang inaayos ang pagkakalagay ng pagkain sa loob ng bag. "Oo nga po, Mama. Naku, parang magdadalawang linggo na rin tayong hindi nakadalaw kay papa, eh. Tiyak ako na magtatampo 'yon," wika niya. "Sa 'yo lang namang magtatampo 'yon Ate, dahil kung kami ni Mama magdadalawang linggo na hindi napuntahan si Papa, ikaw mag-iisang buwan," wika ng kaniyang kapatid. Napaismid siya sa sinabi ng kaniyang kapatid, "Oh? Hala, mag-iisang buwan na ba akong hindi nakapunta roon, sigurado ka?" takang tanong niya rito. "Oo, Ate, siguradong-sigurado ako, kahit tanungin mo si Mama," wika nito. Tinupok niya ng kaniyang mga mata ang mama niya, "Mama?" Tumango ito sa kaniya. "Hala, iiyak-iyak na naman iyong si Papa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD